Chapter 20

3 0 0
                                    

Pagkatapos ng Audition ay 2 linggo kaming naghanda para sa competition kinuha din ako ng isang banda para maging vocalist nila nag uumapaw man ang saya na nararamdaman ko pero alam ko na kabaliktaran ng nararamdaman ko ang mararamdaman ng papa ko pag nalaman nya to'

"Zyanne ano ?, nasabi mo naba kay tito?" tanong ni sarah habang nag aayos ako sa hall

"Hindi pa nga hindi ko alam kong paano ko sasabihin kay papa" muli kong naalala kong paano mangaral si papa sakin at paulit ulit na pinaalalahanan

"Pano, hindi sila makakanood sayo?" nagaalalang tanong ni sarah sakin

"After nalang ng contest" pinilit kong ngumiti sakanya para mawala amg pag aalala na bumalantay sa mukha nya

Nagpaalam na si sarah sakin para lumipat sa labas ng stage at para makapag ayos na din ako

Nagumpisa ang competition, at 6 ang bandang nakipaglaban mula sa iba't ibang year at courses

Hindi ko na inisip na mananalo kami dahil sobrang gagaling ng mga kalaban namin ngunit talaga atang mabait ang panginoon at sa 6 na kalahok ay kami ang tinanghal na kampeon at lalaban sa iba't ibang paaralan sa susunod na buwan

"Gosssh! Sabi sayo mananalo kayo eh! Magtiwala ka sa talento mo" pagsigaw na salubong ni sarah sakin

Binalingan ko ang groupo ko at nagpaalam sakanila "Mauna na ako, Ian, harold, at Mike salamat sainyo tawagin nyo nalang ako sa pag may practice congrats ulit" paalam ko sakanila at nagpaalam nadin sila sakin

"Kaibigan ko po yan... Ganyan nga oh smile naman dyan ayaaaaan" sabi ni sarah sa mga estudyanteng lumalapit sakin para mag papicture

"Ahmm, sarah si adrian bakit wala sya? Nanood ba sya?" tanong ko kay sarah habang palabas kami ng campus

Hindi ko rin alam kong bakit sya ang unang pumasok sa isip ko at sya ang unang hinanap ko

"Oo naman ikaw pa palalampasin nya? Tss, inumpisahan nya at pinatapos ka muna nyang mag perform bago sya umalis hindi na sya nakapag paalam sayo kasi tumakas lang sya sa training at practice nila para mapanood ka" mahabang komento ni sarah sakin para naman akong baliw na biglang napangiti sa mga sinabi ni sarah 'kainis enebe keshe'

Nasa labas na kami ng campus at nagpaalam na rin ako kay sarah na uuwi na ako, nang makauwi na ako ay agad na sumalubong sakin si papa

"Kamusta ang araw ng anak ko?" masiglang bati ni papa saakin

Agad akong binalot ng takot at kaba, gustong gusto ko nang sabihin sakanya ang lahat ngunit hindi ko alam kong paano, hindi ko alam kong saan ako mag uumpisa natatakot din akong magalit sya natatakot ako sa mangyayari

'Relax lang zyanne tinatanong ka lang ni papa kong kamusta ang araw mo'

Humugot ako ng malalim na hininga bago pilit na ngumiti kay papa

"Ahm,okay lang pa syempre po... A-ahm pa......" gustuhin ko mang sabihin kaso tinatalo ako ng kaba ko sa dibdib marahil hindi pa ngayon siguro bukas biyernes naman eh

"May sasabihin ka ba anak?" tanong ni papa saakin

"ahh wala po magpapahinga po muna sana ako pa napagod po ako eh" hindi ko na hinintay ang sagot pa ni papa dahil pagkatapos ko syang halikan sa noo ay lakad takbo ang ginawa ko papasok sa kwarto ko

Nagu'guilty ako sa lahat ng nangyayare, gusto ko ang ginagawa ko pero nagdadalawang isip ako sa twing makikita ko si papa at maaalala ang lahat ng pangaral nya

hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag iisip kay papa

Biyernes...

Nagising aki ng maaga para makatulong kanila mama wala kasi kaming pasok ngayon wala ding practice dahil may gala lahat ng kabanda ko

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Where stories live. Discover now