Chapter 24

1 1 0
                                    

chapter twenty four (24)

ADRIAN'S POV

Naramdaman ko nalang na hinahagod na pala ni zyanne ang likod ko at tsaka ko lang naramdamang umiyak pala

Pakshet! para akong babae

"I-Im sorry" yon lamang ang naiusal ko sakanya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang palad ko

"Okay lang yan, wag mong pigilang umiyak. hayaan mo ang mata mong mapagod at kusang tumigil sa pag iyak" sabi ni zyanne at napatingin naman ako sakanya ng sabihin nya yon at hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak muli

para talaga akong babae. bading bwesit!

"Thank y-you" sabi ko sakanya at bumuga ng malalim na hininga

"Ang baho" sabi ni zyanne at tumingin naman ako sakanya at naka peace sign sya sabay tawa. natawa nalang din ako sakanya hindi ko ini'expect na sakanya ko pa pala masasabi ang nakaraan ko.

"Ikaw ba anong kwento mo?" pag iiba ko sa usapan

"Wala, NBSB nga kasi ako" sabi naman ni zyanne at umirap pa.

Ahh?! So ako palang ang una pag nagkataon? Hmm'

ZYANNE'S POV

Hindi ko inaasahan na may lalaking mag o'open up sakin ng buhay pag ibig nya and worst sya pa yong nasaktan. Nakakaawa naman sya nakooo' pag nakita ko lang yang maity bond na yan ididikit ko sya sa pader tsaka ko sya sasagasaan  -_-

"Ikaw ba anong kwento mo?" biglang tanong ni adrian na kinagitla ko naman

"Wala, NBSB nga kasi ako"

pahina na pahinang sagot ko sakanya dahil nahihiya ako at pinilit na irapan sya

'Bakit ka naman mahihiya zyanne? Eh sa wala ngang nagkagusto sayo eh. Di bale virgin pa naman ako!'

"Sarah told me na may problema ka?" sabi ni adrian at napatingin naman ako sakanya bago binaling sa iba ang paningin ko

'Ang daldal mo kahit kelan sarah!'

I cleared my troat first bago mag umpisang magsalita "Nagalit si papa sakin nagkasagutan kami. Dahil sa napasama ako sa band of the band" mahinang sabi ko tama lang para marinig nya

"Parang ang baba naman? Diba dapat maging masaya pa sya kasi napasali sa isang activity sa school ang anak nya?" ramdam ko ang tingin ni adrian sakin pero pinilit kong hindi sya tignan

"Yun na nga' alam ko naman na palagi at halos araw araq nya na akong pinapaalalahanan na mag aral ng mabuti at wag sumali sa kahit na anong aktibidad sa paaralan para makapag focus sa pag aaral"

"Eh! Yun naman pala pinaalalahanan ka naman pala eh, bat sinuway mo?"

"Hindi ko sya sinuway dahil hindi ako ang naglista ng pangalan ko sa listahan, si sarah"

"Ayun naman pala si sarah naman pala ang naglista bakit di mo sinabi sa papa mo para nalaman nya?"

"Hindi ko sinabi kasi ayokong madamay si sarah, alam ko namang ginawa lang to ni sarah dahil alam nyang ito talaga ang gusto ko... Ayaw lang ni papa" ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko pero pinilit kong pigilan to'

"What do you mean? Si sarah nagpa lista sayo at alam mong ayaw yun ng papa mo, pero ginusto mo? Yun naman pala Anong inaarte arte mo?" tanong ni adrian na kinagulat ko

"Bakla kaba!! Tsk -_- ang sabi ko alam kong ayaw ni papa na sumali ako sa ganto ganto sa school at itong magaling mong pinsan pinalista ako kasi alam nyang mahal ko ang musika at tinutulunga nya lang akong maabot ang gusto ko ang kaso pano ko maabot lahat yan kong mismong tatay ko ayaw na sumali ako sa mga ganto. Hindi nila maintindihan na Ito din talaga ang gusto ko Yun ang di ko maintindihan... Bakit .. Bakit pag kila ate at zylei pag sumasali sila sa mga aktibidad sa paaralan hindi nagagalit si papa? Nanonood pa sya at makikita ang tuwa sa mga mata, pero bakit pag dating sakin sobrang galit sya? May rason ako at para sakanya hindi valid to" naluluhang tanong ko sakanya at yumuko upang hindi nya makita ang pagtulo ng luha ko

"Baka over protective lang sayo ang papa mo kaya ganon. Siguro may valid reason sya kaya pinagbabawalan ka nya" ramdam ko ang pagpapagaan nya mg loob ko pero hindi nabawasan ang nararamdaman ko

"yung pagiging protective ni papa nakakasakal na adrian, nakakasakal na parang nililimitahan lahat ng galaw ko, minomonitor bawat pag hinga ko at tinitignab bawat pagkakamali ko. Kung may rason man si papa sana katanggap tanggap talaga. At kung ano man yun Gusto kong malaman kong ano yun para maintindihan ko sya kong bakit sya nagkakaganto" pinunasan ko ang luha ko at tinignan sya at ngumiti

"Salamat, hindi ko inaasahang ikaw pa ang makakasama ko sa gantong sitwasyon, nakakatawang isipin" sabi ko habang tumatayo at pinapagpag ang pants ko

"Hindi ko rin to inaasahan pero masaya ako, salamat sa pagtitiwala"

Hindi ko rin to inaasahan pero masaya ako, salamat sa pagtitiwala" sagot naman ni adrian sakin habang inaabot nya ang kamay nya sakin

"Ako talaga bubuhat sayo? Tsk -_-" sabi ko at ngumisi naman sya .. Inabot ko ang kamay nya at hinila sya para makatayo

*Lunoooooook*

Ako ang nahila dahilan para ma out of balance ako at matumba

Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero hindi ako nakaramdam ng sakin kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko at laking gulat ko ng makitang nakapatong ako sakanya !!!!!!

OMG! Ahuhuhu

Napalunok ako at agarang tumayo at pinagpag ang sarili ko, agad ko ring tinanggal ang pagkagulat na reaksyon sa mukha ko

"A-ang bigat mo k-kasi hehe" pilit na ngiting sabi ko sakanya

Kusa naman syang tumayo at pinagpag din ang sariki nya bago tumingin saakin

"O-oo nga di bale mag d-diet na ako hehe" sagot nya sakin at nginitian ko lang naman sya

"Tara na nga" yaya ko sakanya at nagpamauna na ako sakanyang maglakad

Maya maya lang ay bago kami muling makapasok sa mall ay kita ko ng kasabay ko sya sa paglalakad

*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug
*Dug dug dug dug dug

Hinawakan nya yung kamay ko freeeeen!! Oo hinawakan ni adrian ang kamay ng nag iisang zyanne !! Omg! Hindi na virgin ang kamay ko ahuhu !!

Agad akong napatingin sakanya at nakita ko kong paano sya ngumiti kahit hindi sya sakin nakatingin tsaka ko binalingan ng tingin ang kamay kong hawak nya!

'Emeged'

"Next week na nga pala ang laban nyo sa banda noh?" biglang tanong ni adrian saakin dahilan para mawala ang lahat ng nararamdaman ko at naiwan akong seryoso

"Mmm, manonood kaba?" wala sa emosyong tanong ko

"Syempre andun ka ata" confident na sagot nya, nginitian ko naman sya bilang sagot at di na muling kumibo

Hinatid nya ako sa bahay pero, hindi ko na sya pinapasok pa

"Sige mauna na akong pumasok, salamat pala ah ^_^ salamat din sa paghatid" nakangiting paalam ko sakanya

"Ayos lang yun, basta nandito lang ako palagi . When you need someone to talk Im always here" nakangiti ring tugon ni adrian sakin at kumaway pa. Hindi ko na inantay ang pag alis nya pumasok na ako Sa bahay.

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Where stories live. Discover now