Chapter 13

4 0 0
                                    

ZYANNE's POV

Sa makalawa ililibing na si lolo'... Ang bilis naman ng araw -_-

Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa C.R.. Naligo kasi ako paglabas ko ay tumingin ako sa orasan at ala una na ng makita ko.. ang bilis naman ng oras pagkatapos kong maligo ay umupo ako sa sofa kaharap ng coffin ni lolo'

Ang bilis ng panahon, dati kasama lang kitang mag jogging , nagkakantahan pa tayo tapos ngayon magpapahinga kana lo'.. Maya maya lang din ay napatingin ako sa bintana at .... Tama ba tong nakikita ko? *Kurap kurap* si Adrian? Papunta dito? Agad akong napaayos ng upo ay hindi lumabas na ako

Kumaway sya sakin habang paglaki laki ng ngiti

^_______^ < ---- si Adrian

--,-b < ---- ako

Inantay ko syang makarating dito mismo sa bahay, hindi ko sya pwedeng salubungin bawal daw.

"What are you doing here?" kaswal kong tanong sakanya

"Hindi ba dapat papasukin mo muna ako?" tanong nya at bahagyang bumaba pa para magkapantay kami ng tangkad

Pumasok ako at sumunod nalang sya sakin at umupo kami sa sofa kung saan nakaharap sa coffin ni lolo

"Here eat this" abot nya sakin ng binili nya

"Tell me why your here? Tsaka di mo kasama si sarah" sabi ko sakanya at kinuha ang binigay nya 'kapalan din ng mukha zyanne?

"may klase pa si sarah kakatapos lang namin mag lunch kaya binilhan na din kita, babalik nalang ako mamaya kasama ko na sya" sabi nya habang nakaupong panlalaki yung tipong nakapatong yung mga siko nya sa binti nya tapos naka hawak sa isa't isa ang kamay nya na diretsong nakatingin kay lolo

"Ahh, salamat nga pala dito" sabi ko at nilapag sa tabi ko yung pagkain

"I said eat that, hindi ko sinabing itabi mo yan" sabi nya at lumingon pa sakin.. Nailang naman ako sa pagharap nya sakin

"A-ah oo, s-sige kain lang ako" akma na sana akong tatayo ng bigla nyang hawakan ang kamay ko napatingin naman ako sakanya

"Eat beside me" sabi nya na may awtoridad na tono ng pananalita , ano ba! Nakakatakot naman to eh' parang ibang adrian tuloy tong kaharap ko

"sige, kuha lang ako ng water" 'anyare zyanne hinawakan lang nag english na? Agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng tubig

"Sino yun? Boyfriend mo? Lamay to zyanne hindi park" sabi ni tita shen sakin nakagat ko ang labi ko sa pagkahiya ko

"hindi po tita, hindi ko sya boyfriend.. Pinsan po ni sarah yan" pilit kong pinakalma ang sarili ko at wag magtonong sarkastiko dahil ayoko ng gulo.

Lumabas na ako ng kusina at tumabi sakanya.. Eto nanaman yung puso ko iba nanaman yung kabog nya pakiramdam ko naririnig ko ang sarili kong puso sa tahimik na lugar maliban nalang sa labas ng bahay na may mga nagsusugal.

"Are you okay?" tanong nya na kina bigla ko naman

"Mm" tipid na sagot ko sakanya at kinuha ang pagkaing bingay nya sakin para kainin.. Hindi ko maiwasang wag tumingin sa bawat subong gagawin ko dahil baka ako ang tignan nya habang pasubo palang mas nakakahiya naman yun

"why are you staring me?" sabi nya sakin pero hindi parin sya tumitingin, nanatiling kay lolo ang paningin nya.

"Nako hindi, hihi napatingin lang ako.. Pero di naman kita tinititigan mga once lang napadaan yung mata ko pero hindi na naulit hihi" sabi ko sakanya at nameke ng tawa

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Where stories live. Discover now