Prologue

166 1 2
                                    

Sa likod ng makakapal na salamin na kanyang suot—isang natatanging ganda, talino, at magandang kalooban ang nakatago.

Isang araw, nabago ang lahat sa buhay niya. Nakilala niya ang mga taong parte talaga ng buhay niya. Nakilala niya ang isang lalaking dahilan kung bakit biglang nailabas siya sa kanyang lungga.

Napansin siya ng lahat. Maraming humanga pa lalo sa kanya pero isa lang talaga ang nahulog ang loob sa kanya.

Ang katahimikang tinatamasa niya no'n ay mababago ba?

Magiging magulo nga ba ang lahat?

May maaapi ba?

May magbabago kaya ang takbo ng buhay?

May bago nga bang uusbong na pagmamahalan?

Hindi naman maiiwasan ang magparaya.

Kase malay natin may magkakatagpuan.

Kase lahat tayo, iniiwanan.

Laging may umaalis sa buhay natin.

Kaya hindi maiiwasang masaktan.

Ngunit ganoon talaga. Kung para sila sa isa't isa, sila talaga. Dahil saang lupalop man sila makakarating, pagtatagpuin pa rin sila ng tinatawag nating tadhana.


*****

« It's You »
June 2014 © zerasescarlett


*****

05/26/2016 - Hello guys! Ang tagal na pala nitong story na 'to at ngayon ko lang naisipang ayusin. No major changes pero baka may mabago sa ibang part lang or scenarios. Enjoy reading!

It's YouWhere stories live. Discover now