Fifth Chapter

34 0 0
                                    

Pauwi na sila sa kanila ng dalawin na nang antok si Angeal. "Jeremy, iidlip muna ako saglit. Naaantok na ako eh."

"Hindi ka na kakain?" He asked habang nagmamaneho.

"Sa bahay nalang siguro kapag nakarating na tayo. Sige." Salita niya.

Itinabi saglit ni Jeremy 'yong kotse niya saka kinuha ang jacket niya na nasa likod ng driver's seat. "Wear this. Baka ginawin ka." Salita niya. Ipinatong nalang ito ni Angeal sa katawan niya at umidlip na, patuloy namang nag-drive si Jeremy.

Isang oras ang nakalipas... biglaang tumunog 'yong handphone niya. Isinalpak niya ang kanyang earphones para hindi siya mahirapang mag-drive habang may kausap siya.

"Hello?"

"JEREMIAH PEREZ! Anong oras na ah! Wala ka pa dito sa bahay!" Bulyaw ng nasa kabilang linya.

"Sabi ko naman late akong uuwi ngayon, di ba?! Kung hindi ako makakauwi, mag-overnight nalang ako sa bahay ng kaibigan ko." Tugon niya.

"Saan ka ba kase nagpunta?!" Tanong na naman sa kanya.

"Pumunta ako ng Enchanted." Sagot niya. "Ano ba, kuya! Hindi na 'ko bata!" Dagdag niyang sigaw.

"Enchanted? Sinong kasama mong pumunta do'n?!" Pasigaw namang sagot ng nasa kabilang linya.

"GIRLFRIEND KO, BAKIT?!" Inis na sagot niya.

"WOWA!" Biglang sigaw ng kapatid niya, tinatawag ang grandma nila.

"KUYA JEFF! HOY, KUYA JEFF! JOKE LANG 'YON! SERYOSO! KAIBIGAN KO LANG KASAMA KO!" Bulyaw niya sa kapatid niya.

"Sinong kausap mo?" Rinig niyang tanong ng isa lalaki sa background.

"Si Jeremy. May girlfriend na daw siya." Mahinang sagot ni Jeff sa kung sino man ang nagtanong.

"Meron na? Pakilala nga niya sabihin mo." Salita nang nando'n.

"Eto kausapin mo nalang." Inabot naman sa kanya ni Jeff 'yong phone para kausapin niya si Jeremy.

"JEREMY. MAY GIRLFRIEND KA NA? PAKILALA MO NAMAN." Malakas na sabi ng kuya niyang isa.

"Kuya Jerry? Wala akong girlfriend!" Sambit niya.

"Jeremy? Sino ba 'yan? Sigaw ka ng sigaw." Salita ni Angeal. Nagising siya dahil sa lakas ng boses ni Jeremy. Narinig no'ng dalawa 'yong sinabi ni Angeal, naka-loudspeaker kase 'yong phone ni Jeff.

"Ah. Sorry. Sila kuya kase tinawagan ako." Dispensa niya.

"Sabihin mo, mamaya ka nalang tawagan. Nagda-drive ka eh, baka kung mapa'no tayo." Salita niya.

"Kuya!" Tawag niya sa mga kuya niya.

"Nakikinig kami. Bakit?" Tanong ni Jeff.

"Walang girlfriend, huh? Babae kaya 'yang kasama mo." Salita naman ng isa niyang kuya, si Jerry.

"Ibaba ko na 'to. Nagmamaneho ako!" Bulyaw niya saka binaba ang linya.

"Bastos 'yon ah. Binabaan ako." Salita ni Jerry.

"Nagmamaneho nga daw kase, di ba?" Salita naman ni Jeff.

It's YouWhere stories live. Discover now