First Chapter

111 1 0
                                    

"Angeal Bernardo." Tawag ng teacher nila sa kanya. Sakto namang nagsusulat siya ng notes niya.

"Yes, ma'am?!" Bulyaw niya mula sa likod. Napatingin naman siya sa teacher nilang nakapwesto sa may pinto at mukhang may kinakausap sa labas.

"You're being called at the Headmaster's office. Something came up." Nagdalawang isip siya dahil marami siyang ginagawa. Hindi siya nakagalaw sa kanyang kinauupuan.

"Ako nang bahala, Angeal. Punta ka na. Pagalitan ka na naman ng gurang na 'yan." Sambit ng kaupo niyang si Oliver habang nakangiti.

"Thanks, Oliver!" Salita nalang niya bago umalis patungo sa Headmaster's office.

Napatigil siya sa may hagdan ng makarating do'n. Nasa ikatlong palapag ang kanilang classroom at sa unang palapag ang kanyang destinasyon. Napakunot noo siya, "Bakit ba walang elevator 'tong eskwelahan na 'to?" Buti nga iyong lang ang problema niya, paano naman ang mga nasa ikalimang palapag?

"Miss Bernardo! Wag kang tumakbo! Classes are going on!" Sita ng isang teacher na naglalakad sa hallway ng second floor ng mapansin siya nito.

"Pasensya na po, ma'am! Nagmamadali lang po talaga!" Sagot nalang niya habang tumatakbo.

Nakarating siya sa unang palapag at hingal na hingal na siya. Nakahawak siya sa kanyang mga tuhod. Naglakad na siya patungo sa office. Hinawi-hawi nalang niya ang kanyang buhok na nagulo dahil sa pagtakbo niya. Inayos din niya ang kanyang mini-skirt at tie para naman mukha siyang tao.

Kumatok siya sa pinto kahit bukas ito.

"Miss Bernardo, nandito ka na pala. Halika sa loob, maupo ka." Aya sa kanya ng Headmaster.

"Bakit niyo po pala ako ipinatawag?" Tanong niya agad ng makaupo roon.

"Miss Bernardo, may pumunta dito kanina. Ipinabibigay 'to." Sambit ng Headmaster sabay ibinigay ang isang sobre na naglalaman ng kung ano.

"Galing po kanino?" Tanong naman niya. Napansin niya ang nakalagay na pangalan sa harap ng sobre. "Park? Apelyidong koreano 'yon, di ba?" Isip niya.

Napangiwi naman ang Headmaster kase tinitignan lang niya ang sobre. "May sinabi po ba 'yong nagbigay?" Biglang tanong naman ni Angeal kaya nagulat ang matanda.

"Sabi naman, pag-uuwi ka raw mamaya, nakahanda na mga gamit mo." Pabagal na salita ng Headmaster. "Ang alam ko, kamag-anak mo iyong isa na nandito kanina. Tapos sabi niya, nakalagay lahat sa sulat na 'yan iyong mga dapat mong malaman."

"Ahh," sambit nalang niya habang tumatango-tango. "Salamat po, ha?"

Umalis na siya sa office saka bumalik sa classroom nila. Sakto namang break time na nila sa hapon. Dumiretso siya sa upuan niya, tahimik lang siya habang tinitignan ang sobreng puti na kanina niya pa gustong buksan. Hindi naman niya magawa-gawa dahil may kinakabahan siya sa kunh ano man ang laman no'n.

"Angeal Bernardo!" Tawag ni Oliver sa kanya. Napalingon naman siya dahil sa pagtawag ng kababata niya slash classmate slash guy bestfriend. Parang kape lang, 3 in 1.

"Problema mo ba?" Mahina niyang tanong, napanguso.

"Ano 'yang hawak mo? Suspension letter?" Tanong namin ni Oliver habang umiinom ng Dutchmilk, naka-indian seat ito sa ibabaw ng kanyang lamesa.

"Hindi. Loko! Ako, masu-suspend?! SUS! Never 'yang mangyayari. Kahit makulong pa si Enrile." Sagot niya sabay irap.

"I know right." Sagot naman ni Oliver.

"Aray!" React nalang bigla ni Angeal. Binato kase siya ng isang pack ng chocolate chips.

"Maka-aray. Hindi 'yan bato. Paborito mong chocolate chips 'yan. Kung ayaw mong kainin, amin na!" Sabay agaw sa pack, pilit niya itong inabot pero inilayo ni Angeal.

It's YouWhere stories live. Discover now