Eighth Chapter

25 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Maraming nang nangyari na ikinagulat ng lahat. Tulad na lamang ng nalaman ng lahat na mag-on na si Demetria at Oliver. Nahalata na nilang iba ang kinikilos ni Demetria ng mga nakaraang araw, 'yon pala nakatagpo na siya ng lalaking nagpabago sa kanya.

Wala namang tumututol sa relasyon nila pero ang inaabangan ng lahat ay sila Jeremy at Angeal. Magiging sila nga ba?

"Angeal." Tawag sa kanya ni Herbert, isa sa mga kaklase niya. "Pinapatawag ka ni Mich sa faculty."

"Bakit daw?" She asked saka tumayo sa kanyang upuan, ibinaba niya ang kanyang binabasa na libro.

"Hindi ko alam eh. Sabi lang niya, punta ka do'n."

"Okay." Sabi niya saka umalis do'n, pagkalabas niya nasalubong niya si Oliver kasama si Demetria. Ngumiti lang siya saka linagpasan silang dalawa.

"Hindi pa kayo nag-uusap?" Demetria asked in a whisper habang tinitignan nila si Angeal.

Umiling siya saka ngumiti, "Alam kong masaya na siya para sa 'kin."

Nang malagpasan niya ang dalawa, dumiretso siya sa faculty. Habang papalapit siya sa faculty, binabati na siya ng mga ka-level niya. Nagtaka naman siya kung bakit siya binabati ng congratulations.

Hindi na siya pumasok dahil nando'n din pala sa corridor si Mich, 'yong adviser niyang bakla. "Oh, Angeal. Halika! May sasabihin ako." He beamed.

"Ano 'yon, Mich?"

"Nakita mo na ba 'yong results? Grabe. I'm proud of you, Angeal!" Masaya niyang pahayag.

Ngumiti lang siya. "Hindi ka ba masaya, bae?" He asked sabay tingin sa mukha ng dalaga.

"Medyo nagulat lang. Kase second placer lang naman kase ako dati." Sambit niya saka ngumiti. "Sige, Mich. Mauna na 'ko, ha? Salamat sa good news."

"Sige!"

Nang magpaalam siya, bigla ring napalitan ang ekspresyon ng kanyang mukha. First place ako? Eh si Jeremy? She asked herself.

Pumunta siya ng rooftop. Hindi nga siya nabigo dahil nando'n si Jeremy. Nang makita siya, "Congrats, Angeal." Bigla niyang salita.

"Thanks. Anong place mo? Hindi ko kase tinignan 'yong listahan, sinabi lang sa 'kin." Salita niya.

"Syempre, first. Ako, maaalis sa first place? No way. Hindi ko nga aakalaing magfi-first place ka rin eh." May sarcasm sa tono niya.

"You, sadist." Sambit ni Angeal, saka tinabihan siya.

"May tanong ako, bakit pala pumunta 'yong mga kuya mo dito last time?" She asked.

"Ako nga dapat nagtatanong niyan, di ba? Anong ginagawa mo sa office ng headmaster?" Tanong din niya.

"Ako unang nagtanong kaya sagutin mo." Sambit niya na nakatingin sa kalangitan.

"Ayoko nga. Bakit ko sasabihin?" Sambit ni Jeremy.

"Hindi ko rin sasagutin 'yong tanong mo." Ani Angeal.

Napatingin sa kanya si Jeremy, "Unfair. Sagutin mo."

"Sagutin mo muna tanong ko." Pagmamatigas ng dalaga.

"Nevermind."

"Whatever."

Silence enveloped them. Matapos ang ilang minuto, wala pa ring nagsasalita sa kanilang dalawa. "Jeremy. Anong gagawin mo kung 'yong taong mahal mo... aalis na?" She asked out of nowhere.

"Bakit aalis ka?" Tanong niya agad.

Napanguso naman si Angeal, "Kung... sabi ko."

"Baka mangisay-ngisay ako," sabay tawa. "Baka kase hindi na siya bumalik sa 'kin, baka may mahanap siyang mas better sa 'kin... mahirap na. Ipagpalit pa 'ko." Sagot niyang nakangiti.

It's YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ