Sixth Chapter

32 0 0
                                    

"Good Morning." Salita ni Angeal ng makarating sa dining. Nakauwi na pala ang parents niya at nando'n sila ngayon, pero hindi nila kaharap si Jeremy.

"Angeal, who's that guy in the guest room?" Her father asked.

"My friend, Jeremy." Sagot niya. "Umalis na ba siya?" She asked them bago umupo.

"Oo. Tinawagan na naman daw nga siya ng mga kuya niya eh, kaya nagmadali nalang siyang umuwi." Sagot ni Raven.

Napatango-tango nalang siya. "Two more weeks, Angeal. Better enjoy everything before leaving this place." Salita ng umma niya.

"Arasseo." Sagot niya. Napansin naman ni Raven ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Binalewala nalang niya 'yon saka ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

-

Pagdating ni Jeremy roon sa kanilang bahay, pagkababa pa lamang niya, nakita na niya ang tatlong lalaking nakatayo sa main door. Mukhang hinihintay siya.

"Good Morning." Sambit niya saka ngumiti ng nakakaloko nang makaharap ang tatlo.

"Nasaan siya? Hindi mo kasama?" Panimula ni Jerry.

He twitched, "Wala."

"Pero bakit kayo pumunta ng Enchanted?" Jeff asked.

"Namasyal." He beamed.

Bigla siyang nilapitan ni Jed saka inakbayan, "Angeal Bernardo, di ba? Park naman nakalagay dito." Salita niya sabay pakita sa phone niya. May information pala si Jed sa kanya, tinignan niya sa university information.

Nang makuha 'yon ni Jeremy, bumitaw si Jed saka pasimpleng kinuha ang wallet ng kapatid niya sa likurang bulsa ng pants niya. Huli na nang mapansin ni Jeremy. Pinigilan siya ni Jeff at Jerry, kinakalkal naman 'yon ni Jed.

Napatawa si Jed, "Ano 'to?" Sabay pakita sa picture nilang dalawa, no'ng sa booth 'yon.

"YOU, TRAITOR!" Sambit niya sa inis na inis sa boses.

Jed plastered a wide smile on his face and said, "Ngayon lang 'to. Naku-curious talaga ako eh."

"You seem lively, boys." Salita ng isang matandang boses. Agad silang umayos at itinago ni Jed ang wallet ni Jeremy.

"The usual, wowa." Sambit nalang ni Jeff saka ngumiti. Napansin kase ng lola nila na parang nagkakasakitan na naman silang apat kaya pinuntahan niya ang mga 'to.

"Jeremiah." Tawag niya kay Jeremy. "Hindi ka umuwi kagabi, di ba? Saan ka pumunta?" Tanong sa kanya.

"A-Ah," sambit niya sabay kamot sa batok niya. "Napalayo po kase ang napasyalan kaya nag-stay nalang po ako sa bahay ng kaibigan ko." Sagot niya. Nagkatinginan naman 'yong tatlo saka ngumiti. Alam nilang hindi nagsisinungaling si Jeremy kaya inaasahan nilang 'yon ang sasabihin niya.

"Nagkagulo ang mga bugok kagabi, may sumigaw pa... tinatawag ako." Salita ng lola nila. Nagpipigil naman ng tawa 'yong mga kapatid niya. Sinamaan naman ng tingin ni Jeremy si Jeff. Nag-peace sign nalang ang kuya niya.


"Sa susunod, agahan mong pagsasabi kung late kang uuwi ha? Or kung hindi ka makakauwi." Sambit ng lola niya.

It's YouWhere stories live. Discover now