Second Chapter

63 0 0
                                    

"Nakakainis ka! Bakit mo inaagaw si Jeremy sa 'kin?! You're such a bitch!" Kasabay na malakas na sampal sa pisngi ng babaeng kaharap niya.

"Inagaw ko siya sa 'yo?! Ang kapal mo rin eh no?!" Bulyaw naman ni Angeal. "Aanhin ko ba siya?! I don't need him! I don't need his attention! Kung kailangan mo ng atensyon niya, stick to him! Bitch!" Sabay talikod ni Angeal. Ilang araw na rin siyang di tinigilan ni Demi simula no'ng malaman nilang madalas ng magkasama ang dalawa.

Akmang susundan pa ni Demi pero napatigil siya ng may humarang sa kanya. "Demi. Don't you dare." Jeremy glared at her.

"Damn you, Angeal Park! May araw ka rin!" She thought to herself and clenched her fists as she looks at her fading figure.

"Angeal! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba nagpunta?!" Sambit ni Oliver nang makarating si Angeal sa harap ng classroom nila.

"Demetria Estrada." Bulong ni Angeal.

"Sinusugod ka na naman ba niya?! Bakit ba? Masyado na siya ah!" Sabay susugod sana pero hinawakan ng dalaga ang braso niya.

"Olive. No. Ako na bahala sa kanya. Gwaenchanha." Sambit niya.

Nalungkot ang mukha ni Oliver, "Anong sinabi mo? Gwaen--ano?!"

"Gwaenchanha. Ibig sabihin it's okay." She answered. "Hayaan mo na. Kaya ko siyang i-handle."

Napangiwi si Oliver. "Okay? Alam mo, naguguluhan na ako sa 'yo eh. Ano ano ng sinasabi mo tuwing magkasama tayo. Nagbago na rin mga expressions mo." Nakakunot niyang sabi.

"Park nga 'ko, di ba? Korean. Kailangang matuto na ako mag-Korean." Sagot niya saka pumasok sa loob.

Pagkabukas niya ng pinto, "Angeal! Pumunta dito si Jeremy kanina." Sigaw no'ng isa niyang kaklase. Hindi siya kumibo. Nagpatuloy siya sa paglakad na para bang walang narinig. Papunta sila sa mga upuan nila ng marinig ni Oliver 'yong ibang kaklase niya na nag-uusap.

"Bakit kaya siya hinahanap ni Jeremy?"

"Ewan ko rin eh. Pero, no'ng naayusan si Angeal, mas lalo siyang gumanda. Di lang talaga kase siya marunong mag-ayos eh." Sambit no'ng isa.

"Iyon nga eh. Beauty and brains. Hindi tulad no'ng Demetria na 'yon. Maganda nga, ang bitchy naman ng ugali niya."

"Take note! Hindi rin naman siya matalino. Mayaman lang."

"Retokada 'yon, bhe." Singit naman no'ng isa.

"OHH?!" The other gossiping girls said in unison.

"Demetria, huh?" Simula no'ng dumating siya, napapansin na si Angeal ng iba. Ano anong kabulastugan ang sinasabi niya eh hindi naman totoo. Kundi lang talaga kase linapitan ni Jeremy 'tong si Angeal, hindi sana ganoon.

"Buset na Jeremy! Kasalanan niya 'to eh!" Oliver thought to himself as he sat down.

Natigilan naman sila nang pumasok na ang adviser nila. "Homeroom, guys!" Sigaw ng teacher.

"Maka-guys naman 'tong si Sir akala mo tropa tayo." Biro no'ng isang lokong estudyante.

"Ay, hindi ba? Sige, kung di mo bet, layas! Chupi." Pabiro ding sagot ng teacher nila.

"Sir, anong gagawin natin ngayon?" A student asked.

"Wala. Kwentuhan tayo. Wala akong magawa sa faculty kaya pumunta ako dito. Homeroom rin naman." Sambit naman ng teacher nila saka hawi sa bangs niya. Iyong buhok niya kase parang sa isang Korean idol.

"Sir, kung di ka lang talaga beki, baka nakasama ka pa sa kpop group na BIGBANG. New member." Oliver beamed.

Tumawa naman ang klase.

It's YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora