Day 5, 6, 7. Nasaan ka dream guy?

22.9K 243 4
                                    

Pagkatapos ng pagkakasabay namen ni Daniel sa jeep ay di ko ulit siya nakita. Parang ang ilap nyang magpakita sakin. Nakakalungkot. Nakakadismaya. Nakakamiss.

Oo. Nakakamiss siya. PBB teens ang dating no? Ilang araw lang, miss agad? Di ko alam kung baket basta ang alam ko lang e tinamaan na ata ako ni kupido.

"3 days ko na syang di nakikita, Majo."

"Gusto mo hanapin naten maya bakla?" pabulong na sagot ni Majo.

"Kat! Marie Jo! Mukhang maganda yang pinaguusapan nyo ha? Please share it to the class."  Mataray na sabi ni Ma'am Ramos habang nakataas ang kilay at nakangiting sarcastic,

"Ah. Ma'am. We're talking about your slit. Nagtataka po kase kame ma'am kung bakit bagay sa inyo yang ganyan. I mean, despite po na di na kayo bata para magslit. Pero bagay pa din po." Kinakabahang sagot ni Majo.

"So what do you mean Ms. Magpantay? Are you saying that I'm old?" Makatindig balahibong sagot ni Ma'am Ramos.

"Uhh. Ma'am! Di po yun ang ibig sabihin ko. Ano po kase.. Uhm. Ang ibig sabihin ko lang po.." Mas kinakabahan ang pageexplain ni Majo.

"Ano po ma'am.. Kase po..." Sumabat na ko.

"STOP EXPLAINING! GET OUT THE TWO OF YOU!" Pasigaw na sabi ni Ma'am Ramos.

Lumabas kame ni Majo. Derecho catwalk. Umupo.

"Edi lumabas. Kahet anong explain mo sa ibang tao na hindi naman talaga ganon. Di mo kontrolado isip nila. Alam mo yon. kahit anong sabihin mo magagalet sila, may masasabi, maiinis. Sa huli sinong mukhang kawawa? Edi tayo."  inis na inis kong explanation kay Majo.

"Tama ka dyan teh. Yaan mo na yun. Parang di naman tayo sanay ke Ma'am! Hahaha! Ano? Hanapin na natin si Papa Daniel?" masaya at excited na tanong ni Majo.

"Sige tara na. namimiss ko na din kase talaga siya." Sagot ko na halatang kinikilig.

"Ayeeeeeeeeeeeeeeeee ♥"

Umalis na kame ni Majo at pumunta na kame sa antayan ng jeep para antayin si Daniel. 

Baket kaya minsan sa simpleng "Ayeeeee" o pangaasar satin ng mga kaibigan naten, parang lalo tayong nahuhulog sa isang tao. Aminin mo!

Nasa jeepney stop na kame. Oo. Nagcutting class at pumunta talaga kame para makita si Daniel. Umupo kame sa waiting shed. Patingin tingin sa paligid. Nagkwentuhan. Bumili pa ng snacks sa 7-11. Nagkwentuhan ulit. Nag-abang. Nagreklamo sa polusyon. Kumain ulit. Nagkwentuhan. nag-antay.

7:00 pm. Tumingin ako sa orasan ko.

"Uwi na tayo, Kat. Mukhang wala si Dream Guy ngayon. Ang saket na din ng pwet ko sa pagkakaupo bakla." tumayo na si Majo sa pagkakaupo.

"Oo nga. tara na. Gabi na din." sagot ko. Tumingin ulit ako sa paligid. Umaasang dadating o dadaan man lang si Daniel. Pero wala ni anino niya.

"Tara na! Makikita mo din ulit siya." pampalubag na sagot ni Majo.

Umalis na kame ni Majo sa jeepney stop. Lumilingon padin ako. matindi talaga ang pag-asa kong makita sya ulit. Nadismaya. Nalungkot. Nag emo.

Ang daming bumababa sa jeep. Ang dameng dumadaan. Madameng lalake. May mga gwapo, may mga hindi. Pero wala akong nakitang Daniel.

3 days na kitang di nakikita Mr. Dream Guy. Kelan kaya kita ulit makikita?

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now