I'm sorry Kat.

15.2K 186 3
                                    

Beep beep.

One message received.

From: Kat

"Daniel, pwede ba tayo magkita?"

Reply.

"Ok. Dito ako sa madalas kong puntahang coffee shop." -Send.

Ilang minuto lang ay dumating na din si Kat. Parang sumasayaw sa hangin ang bestida niya habang papalit sa kinauupuan ni Daniel. Nakatitig lang si Daniel kay kat. Umupo si Kat, sa parehas na pwestong inupuan ni Yna.

"Uhm.. Daniel.. May sasabihin sana ako."  sabi ni kat.

"Ako din may dapat sabihin." mahinang sabi din ni Daniel.

"Sige mauna ka na muna. May tatanong lang sana naman ako e." sagot ni Kat na may bahagyang ngiti.

"Lalayo na muna ako sa'yo Kat." sagot ni Daniel na may buntong hininga.

"Ha? Bakit? May nagawa ba ako?" alalang alalang tanong ni Kat.

"Kailangan ko tong gawin para maprotektahan ka." sagot ni Daniel na bahagyang nakatungo.

"Protektahan? Kaya ko naman sarili ko ah! Kung dahil to dun sa mga lalakeng yun. Wala ka ng dapat intindihin daniel. Tignan mo, ang macho macho ko na!" sagot ni Kat na pinapakita pa ang mga braso niya.

Ngumiti lang ng bahagya si Daniel. Hinawakan ang kamay ni Kat.

"Sa ngayon. Eto lang ang paraan ko para maprotektahan ka Kat. Pero balang araw makakagawa din ako ng paraan para mas mapakita sa'yo kung gano ka kahalaga para sa kin." sagot ni Daniel na pahina ng pahina.

"Pero..." sabat ni Kat.

"Wala ng pero pero. Alam kong magiging masaya ka ulit Kat." sagot ni Daniel na may halong ngiti.

"Mayabang ka." biglang sabi ni Kat na nagteteary-eyes.

"Bubuwit." sagot ni Daniel na halatang pinipigilan ang ngiti.

"Maangas!" sabi ni Kat sabay pout.

"W-e-i-r-d-a." ganti ni Daniel.

"PAYATOTTTTT!" medyo malakas na sabi ni Kat.

Nagtinginan ng mga tao sa kanilang dalawa.

"HAHAHAHAHA." tumawa si Daniel.

"Mayabang. Maangas. Payatot. Pero inlove naman siya." pang-iinis ni Daniel.

"Ha? Ang kapal mo huh!"

Ngumiti lang si Daniel kay kat.

Tumayo si Daniel sa lamesa at lumakad papalayo.

"Daniel." pahabol na tawag ni Kat.

Hindi humarap si Daniel. Itinaas lang ang kamay niyang naka-ok sign.

Gusto siyang habulin ni Kat. Yakapin sa likod para di na siya umalis, lumayo.. Parang isang panaginip na gustong putulin ni Kat...

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon