Day 38. Kadiliman.

15.2K 173 5
                                    

Pagkaraang umalis ni Yna sa ospital ay pinagpahinga na ako ng nurse. Umalis na din sila Majo, Lance at Albert pagkatapos magpromise na babalik sila bukas para bumisita.

"Goodnight Kat. Tulog ka na." sabi ni mama sabay kiss sa noo ko.

Inayos ni Mama ang kumot ko at pumunta sa sofa para matulog na din.

Dahan-dahang nagpaalam ang buwan at muling sumikat ang Haring araw.

"Kat. Goodmorning." sabi ni mama habang binubuksan ang mga kurtina.

"Mama?" umiiyak na sabi ko.

dali-daling pumunta si mama sa tabi ko.

"Kat? Anong nangyayari? Nakikita mo ba ko?" naiiyak na ding tanong ni mama habang tinatapat ang kamay niya sa mga mata ko.

"Hindi po. Mama? Wa...la... akong.. maki..ta." nauutal na sabi ko. Niyakap ako ng mahigpit ni mama.

Umapaw ng kalungkutan sa kwarto. Dumating sina Majo, Lance, lola at Albert at nalaman ang nangyari.Walang magawa ang lahat maliban sa umiyak, magpalakasan ng loob at magdasal.

Setting: Labas ng room 106

"Mrs. Cruz. We listed the name of Kat para sa donor pero I'll be honest w/ you, napakadami pang naka-line up at matatagalan pa si Kat makakuha ng donor." sabi ng doctor.

"Ibig sabihin po ba doc, hindi siya pwedeng maoperahan? Pero... pero pano yun? Permanente na po bang mabubulag ang anak ko?"  tanong ni mama.

"We can't proceed to the corneal operation. Unfortunately, we need to have this operation para marecover ang paningin ni Kat dahil kung hindi natin immediately masasagawa ito, i'm very sorry Mrs. Cruz pero Kat would lose her sight permanently." sagot ng doctor.

"Pero wala na po bang paraan para mapabilis ang operation? Ang pagkakaroon ng donor doc? possible po bang mauna siya sa listahan?" naiiyak na tanong ni mama.

"Hmm. Yes. There's a way pero bihira lang po ito mangyari. Kapag there's a donor na personally maglalagay ng recipient niya. Pero as I said Mrs. Cruz, napakabihira lang po nito at most of the case, ay kapag may namatay at beforehand ay nagpalista sila as an eye donor w/ recipient." sagot ng doctor.

Setting: room 106

"Kat?"



"Albert? Ikaw yan di ba?" tanong ko.

"I'm sorry. Wala kong nagawa para hindi ka mabu--" sabi ni Albert na hindi natapos ang sasabihin.

"Ayos lang yun noh. Tska hindi mo naman kasalanan to. Wala namang may gusto nito. Walang may sala. Walang dapat sisihin." sagot ko kay Albert na may pekeng ngiti.

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now