Day 24. Black.

16.1K 164 5
                                    

Pumanik si mama sa kwarto ko. Tinanggal ang kumot at bahagyang tinapik ang balikat ko.

"Kat. Suspended pa din daw ang klase nyo. Sige, matulog ka pa ulit."

Mabilis akong napaupo sa kama.

"Ma. Totoo namang pumunta si Daniel sa bahay kahapon di ba? Di yun panaginip di ba? di ba?" tanong ko kay mama na may pagpisil pisil sa braso niya.

"Ha? Oo. nandito siya kahapon. Teka nga kat! Aba baket ha? Akala ko ba hindi mo yun boyfriend?" tanong ni mama na may kasamang pagtaas ng kilay.

Kinilig na napangiti ako sabay higa at tago sa unan ko.

"Hoy hoy kat-kat! Ano yang kaartehang yan? Sabihin mo sa kin! Boyfriend mo yung Daniel na yun!" paulit ulit na tanong ni mama habang pinapilit tanggalin ang unan na nakatakip sa mukha ko.

Di nagtagal ay umalis si mama sa kwarto ko. After ng ilang oras ay bumango na din ako sa kama. Kumain. naligo. Nag-ayos.

"Oh Kat, san ka pupunta? Wala kayong pasok." tanong ni mama habang pinapanood si Papa Chen sa please be careful w/ my heart.

"May bibilhin lang ako sa SM ma. Gusto ko kasi sanang magsketch ulit. Ayun. Saglit lang talaga ko ma. Bye."

"Kasama mo ba si Daniel apo?" tanong ni Lola.

"Si lola talaga! Syempre opo." ngumingisi kong sagot.

"ANO?! Pwes bawal kang umalis. Sabi ng papa mo bawal pa ang date-date na ganyan. Isusumbong kita mamaya pag nagchat kami kathy. Binabalaan kita." OA na reaction ni mama.

"Overrrr. Joke lang yun ma. Ako lang po mag-isa. kahit lagyan nyo pa ko ng camera. Sige na po alis na ko. Bye ma! Bye lola."

__

Pagkatapos ng 2 oras ng papunta at pagbili sa SM ng mga gamit ay nag-aantay na ako ng jeep pauwi. Malakas ang ulan kaya ingat na ingat kong hinahawakan ang mga gamit na binili ko.

Walang sasakyan. At kataka-takang wala ding tao.

"Hi miss."

Napatingin ako. Laking gulat ko na iyon ang lalakeng nang-snatch sa bag ni Daniel kahapon.

"Kamusta ka na? Oh bakit nagulat ka? Kita mo tong sugat na to. Sino kaya ang may gawa nito..." nakakatakot na sabi niya.

"Ano kailangan mo sa kin ha? Sisigaw ako. Wag kang lalapit!" nagtatapang tapangan kong sagot.

"Sige nga. Sigaw nga. Sample." sagot niya habang dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa kin.

Hinampas ko ang payong nahawak ko. Wala na kong pakealam kung mabasa ang sketch materials ko. Pero nasalag niya ang payong. Hinampas niya sa kin ang payong ng para bang walang pakealam na babae ako.

Tumama ang payong sa mata ko. Sobrang hapdi. Pakiramdam ko ay dumudugo ito pero sa sobrang sakit ay di ko madilat at naunahan ako ng takot na makita kong may dugo nga ito.

"Tulong! Tulonggggggggggggggggg!" malakas na sigaw ko habang nakatakip ang mga mata. naiiyak. natatakot. nababasa ng ulan.

Narinig ko ang papalayong takbo ng sapatos. Pinilit kong idilat ang mata ko. Pero wala akong makita kundi itim. Wala na din akong maramdamang lamig ng ulan. manhid ang buong katawan ko. umiyak ako ng umiyak.

"Tulong. Tulong" pahina ng pahinang sigaw ko.

"Kat? Kat ano nangyari sa'yo? Tulong!!!!! Please tulungan nyo kami!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Sobrang hina ng pandinig ko. Pinipilit kong isipin kung kaninong boses yun. Pamilyar na boses. Nakasabay ko na siya minsan. sino sya. tulungan nyo ko. ang mata ko. Masakit. May dugo. Payong. Magnanakaw. Masakit... Madilim....

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now