Nahanap din kita...

15.6K 198 6
                                    

Setting: sa loob ng sports car

"Kat.. Kat.. Kat.. Nasaan ka ba.." nag-aalalang sabi ni Daniel.

*beep beep*

mabilis na kinuha ni Daniel ang cp niya. Tinignan kung sino ang nagtext, hinihiling na si Kat yun.

From Globe. GLOBE REWARDS.

bahagyang hinagis ni Daniel ang cp niya sa upuan.

"Badtrip naman. Wala nga pala akong # ni Kat. Dapat alam ko # nun e. Parang sa mga ganitong sitwasyon. Badtrip." mas naiinis na sabi ni Daniel.

__

Setting: Tapat ng isang convenience store

"Kat. Nasaan ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Albert sa sarili.

Kinuha ang cp niya sa bulsa. hinanap ang # ni Kat na hiningi nya pala sa mama ni Kat ng maospital si kat. 

Tinawagan niya. Ring lang ng ring. Walang sumasagot.

"Please Kat. Sagutin mo. Sagutin mo. kat.."

Paulit-ulit na dina-dial ni Albert and cp kasabay ng walang pagod na paghahanap kay kat.

__

Setting: Bahay

"Jp. Ano na gagawin naten? Umiscore na tayo dito. sayang naman."

"Hoy. manahimik ka. Iligo mo na lang yan. Di ko pinangarap na maging rapist."

"Upload ko na ba to boss sa facebook?"

"Hindi. Hindi. Ipaprint mo lang muna. Damihan mo kopya ah."

Ang sakit ng ulo ko.. Pinipilit kong idilat ang mata ko pero nakakaramdam ulit ako ng sakit.. Pero nasaan ako? Sino ang mga yun?

Pinilit kong tandaan ang nangyari kanina. Lalaki. Suntok sa tiyan. tatlo sila. van. hinubaran nila ako ng jacket. Pinilit kong buksan ang mga mata ko. Nasa sofa ako. Nakahiga. Walang jacket. Naka-taas ang t-shirt ko kita ang pusod. Inayos ko ang damit ko. tumayo ako kahit na masakit ang tiyan sa pagkakasuntok.

"Hi babe." sabi nung pinaka-boss nila

"Anong ginawa niyo sakin!?" matigas na tanong ko.

"ha? Wala kang maalala? Babe naman e. Impossibleng makalimutan mo yun.. Hinalik---"

Bago niya pa matapos ang sasabihin nya ay sinampal at tumakbong mabilis papalabas sa bahay.

"Bosssss. Tumatakas!"

"Wag nyo ng habulin." maangas na sagot ng lalaki sabay hawak sa pisnging nasampal.

Lumabas ako sa bahay. Saang lupalop to ng mundo? Bat di ko alam ang lugar na to. Walang masyadong bahay. paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga tawanan nila. Umupo sa tabi ng isang sirang kubo na nakita ko. Nagtago. Natatakot. Umiiyak.

___

Setting: Parke malapit sa mall.

Pumunta si Daniel nagbabakasakaling makikita niya si kat sa lugar kung saan siya una nitong niligtas. may nagri-ring na cp sa likod ng mga halamanan. Hinanap ni Daniel at tinignan.

"Albert calling"

"Albert?" tanong ni Daniel sa sarili.

Nang tumigil si Albert sa pagtawag, nakita ni Daniel ang mukha ni kat, majo at lance sa wallpaper.

"kay kat to ah. Bakit nandito to?" nag-aalalang tanong ni Daniel sa sarili sabay takbo papuntang kotse niya at alis.

__

"Tulungan niyo ko... Gusto ko ng umuwi.." umiiyak na sabi ko. Paulit-ulit. Gusto kong umuwi pero ayaw ng paa kong lumakad dala ng takot..

30 minutes... 1 hour...

"Tulong.. tulungan nyo ko.." iyak ako ng iyak habang nakatungo.,

"Kat."

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Isang anino ng lalaki.

"Kat..."


Pinunasan ko ang mata ko. Nakita ko si Daniel. Tumayo ako niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat naman. Nahanap din kita.." bulong ni Daniel sa kin.

"Pano mo ko nahanap Daniel?" Pano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko habang umalis kami sa pagkakayakap.

"Tinulungan nila ako." matipid na sagot niya.

"Ha? Sino?"

Tinuro ni Daniel ang mga bituin sa langit.

"Sabi ni Mommy nung bata ko. Mga bantay daw natin ang mga bituin. Kanina nawawalan na ko pag-asa pero napatingin ako sa mga bituin, naisip ko. Nasa ilalim lang tayo ng isang langit, ilalim ng mga parehong bituin. Di ko alam kung pano e. Basta alam ko, nandito ka."

"Daniel.. Salamat.." mahina at naiiyak kong sabi.

Pinunasan ni Daniel ang luha sa mata ko at hinawakan ako sa pisngi.

"Wag ka na ulit mawawala... Pinag-alala mo ko dun." sagot niya na may kasamang lip-bite sa huli.

Ngumiti ako. Hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. Ngumiti din siya ng ngiti nyang parang pinipigilan. Hinatak niya ko papayakap sa kanya. Lumakad kami papuntang kotse niya. Walang romantic background music. Walang taong nakakakita tanging mga bituin lang ang saksi kung pano ako natagpuan ni Daniel. ♥

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now