Chapter 13

12.9K 329 129
                                    

Nung umalis muna sina bespren para magbihis, tatanungin ko dapat si Hiro kung bakit inaya ni bespren Louie si Mase na mag-date pero may kausap siya sa telepono tas saka ko naalalang tignan yung selpon ko. Nanlaki talaga yung mga mata ko nung nakita kong andaming missed calls ni Kuya Chuckie!

Tas biglang may tumatawag ulit. Muntik ko pa ngang mabitawan yung telepono ko pero si Harvey pala ang tumatawag. "Oy! Anmeron?" agad kong tanong.

"Mahal na Pinuno, kumusta naman ang date niyo ng alipin mo?" natatawang tanong niya.

"Ah, yon? Di natuloy eh, kasi pumunta ako sa UP Diliman kasi dumating si bespren Louie, hehe."

Tas sinabi niya sa'kin na dumaan pala sa classroom namin si Kuya Chuckie at hinahanap ako. Hala! Siguradong papagalitan ako non kasi hindi ako nakapagpaalam! Tas nung pagkababa ko ng telepono, may tumatawag ulit. SI KUYA CHUCKIE NA NAMAN! Huhuhu.

Nautal-utal talaga ako nung sinasagot ko yung mga tanong niya. Enkoba. Sa kanya ako pinaka-natatakot sa kanilang limang kuya ko. Kasi sobrang bait, tapos laging nakangiti. Pero iba yung ngiti niya. Di ko maintindihan. Sabi nga nila... parang may something.

Pero ayon, 'di naman nagalit nung sinabi ko kung sino yung kasama ako, nasan kami at bakit kami nasa UP Diliman.

"Kailangan nating magcelebrate. Tama. Magse-celebrate tayo. Saan niyo gusto?" tanong ni Hiro nung makabalik sina Mase. Papansinin ko sana yung tshirt ni bespren kasi ang pagkakatanda ko, may ganung tshirt si Mason kasi nalabhan ko yun e. Pero nawala ulit sa utak ko dahil sa tanong ni Hiro.

"Masarap yung mga siomai nila dito, tsaka yung footlong-" sabi ko kasi naalala ko si Mang Mer nung Lantern Parade.

"Bakit? Ikaw ba ang naglaro at ikaw ang nagsa-suggest?" asik niya sa'kin.

"Baka pagod lang silang mag-isip! Tss." Enko kay Hiro, bakit kahit wala akong ginagawa sa kanya parang anlaki ng galit sa'kin. Ilang beses pa nga niya akong nasinghalan sa araw na yun eh lalo na nung nakita namin yung bago niyang kotse. Ang ganda kasi talaga! Gusto ko nga sanang sa harap sumakay kaso si Mase na lang daw dun para maituro yung daan papuntang Chocolate Kiss habang nagmamaneho naman si bespren.

Eksaytment talaga akong makapunta dun sa Choco Kiss. Marami sigurong sokoleyts du.

Yun nga lang, wala raw bakante sa Choco Kiss kaya nag-isip nalang kami kung saan pedeng kumain. Kasi gutom na gutom na talaga ako. Di pa ako nanananghalian eh, kumakalam na ang sikmura ko. Kanina pa naubos yung energy na nakuha ko sa Pepero. Huhuhu.

"Hmm... Bili na lang kaya tayo ng makakain tapos, tambay somewhere? Dun sa...ano na ngang tawag dun? Sunken Garden? Dun sa maraming puno?" sabi ni Hiro.

Tas naalala ko na naman yung Lantern Parade! "Ay oo! May malaking Akasya dun. Kasya tayong lahat! Manonood ako ng nagfi-frisbee!" masayang sagot ko. Di ko na dinagdag na manonood ako nung mga naglalaro habang kumakain kasi paubos na talaga ang lakas ko.

Kaya nag-drive na lang si bespren hanggang makarating kami sa Sunken Garden. Pero pagkababa namin, nagtalo na naman sina Hiro at Louie kung sino ang bibili ng pagkain. Huhu. Buti na nga lang napilit ni Mase si bespren na sila nalang ang maiwan eh.

Pagkasakay namin ni Hiro sa magandang kotse niya, binagalan pa talaga niya yung pagda-drive! Tapos may parang tinitignan pa sa salamin.

Di ko na natiis, nagmakaawa na talaga ako. "Hiro...bilisan na nating bumili...mamamatay na ako sa gutom..." nanghihina kong sabi sa kanya. "Kinakain na ng small intestines ko yung large intestines ko eh."

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now