Chapter 15

11.4K 339 231
                                    

Sa wakas! Nakalabas na rin ako sa ospital! Yeeeyy!

Grabe 'yon. Nakakabagot talaga do'n. Tatlong araw ba naman akong natengga. Buti nalang talaga may libreng Intellicare Bear, hehehe. Kaya may bago na naman akong stuffed toy, huehue.

'Di ko talaga inasahang mami-miss ko ang school! Sa sobrang pagka-miss ko nga, ang aga kong nagising para tulungan si Mama na magluto ng baon ko. Kasi diba nga, 'di na ako pwedeng kumain ng kung anu-ano. Dinamihan nalang ni Mama yung baon ko. Ginawa niyang tatlong lalagyan, hehehe.

Sobra talagang lapad ng ngiti ko habang paakyat sa classroom namin. Sana wala akong masyadong hahabulin na lessons. Kundi patay na naman kami ng baby goldfish memory ko neto.

"Good morning!" masigla kong bati sa kanila.

Pero nagtaka ako kasi biglang tumahimik yung mga kaklase ko at matamlay na bumati pabalik. Enko, parang nalungkot sila. Tas ansama ng tingin sa'kin nina Chelsea at ng ilan ding kaklase naming lalaki.

"Anyare?" tanong ko sa kanila habang paupo ako.

"May gana ka pa talagang magtanong eh ikaw itong may kagagawan," sumbat sa'kin ni Chelsea.

"Luh. Panyare 'yon eh tatlong araw akong 'di nakapasok? Ano 'yon? May doppleganger ako?" pasinghap kong balik-tanong pero tinalikuran na niya ako. At dahil wala pa si Martin, si Dennis ang nilapitan ko. "Tol, 'musta?"

Matipid at pilit siyang ngumiti sa'kin. "Sakto lang. Ikaw?"

"Ays na 'ko pero bawal na akong kumain sa Hepa Lane," malungkot kong balita sa kanya at tumango lang siya. Tatalikuran na niya dapat ako pero humawak ako sa balikat niya. "Teka, alam mo ba 'yung sinasabi nina Chelsea? Na may nagawa raw ako kaya kayo matamlay?"

Sandali niya akong tinignan bago nagbuntong-hininga. "Dumating kasi dito nung Lunes si Kuya mo--"

"Sinong kuya ko? Marami akong Kuya eh."

"Si Sir Chad."

Kumunot ang noo ko. Alam kong sa katabing building lang si Kuya Chuckie madalas kasi nagtuturo rin siya sa mga scholars ng USTe. Pero bihira 'yon dumalaw sa Roque Ruaño. "Bakit daw?"

"Nagsumbong ka kasi na may gusto raw sa'yo si Martin. Ayun, pinagalitan sa harap namin."

Sobrang nagulantang ako sa sinabi niya! Si Martin may gusto sa'kin? At magsusumbong ako? At pinagalitan ni Kuya Chuckie si Martin sa harap ng mga classmates ko? Wuuuut?! Ang malala pa, sumang-ayon pa 'yung ibang classmates namin na ganun nga ang nanyare!

Kaya nung dumating si Martin, tinanong ko agad siya kung totoo nga 'yung mga sinasabi nila.

"Ahh, oo. Ganun na nga. Naiintindi--"

'Di ko na siya pinatapos magsalita. Tumakbo na ako pababa at palabas ng building para puntahan si Kuya Chuckie. Kaso naman! Wala siya dun sa building nila! May group project daw!

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now