Chapter 14

12.5K 368 109
                                    

Hindi na ako pinapasok nina Mama kinabukasan para raw matanggal na nang tuluyan ang kati-kati ko. Inis na inis nga sa'kin si Kuya Mac-Mac nung gabi kasi raw ang asim-asim ng amoy ko. Baket? Meron bang suka na hindi amoy maasim? Tss.

Pero ays lang naman. May basbas naman ako nila Mama na maglaro ng PS3 habang nagbabantay ng bahay. Huehue.

Tinawagan din ako ni Martin para kamustahin ako. Tas sabi niya, kahit di na muna raw ulit matuloy ang date namin para raw makapagpagaling ako. Pero nahihiya na talaga ako sa kanya. Lagi na lang hindi natutuloy ang date namin sa kung anu-anong dahilan. Kaya sabi ko sa kanya, ituloy na namin kasi kaya nga nag-absent ako para gumaling ako agad eh. Siguro naman, mawawala na yung mga kati-kati ko.

Mabuti nga nakisama talaga ang katawan ko pagdating ng Sabado eh. Basta magsuot nalang daw ako ng long sleeves para 'di ko kamut-kamutin at hindi magkasugat yung braso ko sabi ni Papa. Kaya 'yon, sabi ko kay Martin, pede na kaming magdate pagtas ng praktis ko sa softball. Kahit naman kasi hindi ako kasali sa line-up, kailangan ko pa ring sumama sa praktis para hindi ako kalawangin.

Ang usapan namin, mga eleven kami magkikita sa field. Pero mas nauna pa siya sa'kin sa school. Manonood na lang daw muna siya ng praktis namin.

"Charlie, yung totoo, boyfriend mo ba si Martin?" tanong nung isa kong team mate. Dahil lagi naman siyang nanonood, nakilala na rin siya ng team mates ko at siya na ang pinagbantay namin ng mga gamit namin kanina sa field.

"Oy, 'di ah!" tanggi ko. Bakit kaya ganun agad ang iniisip ng mga tao? Lagi talagang mag-boypren-gelpren agad kapag magkasama ang babae at lalaki?

"Eh bakit lagi siyang nanonood ng praktis natin? Tas kasabay mong dumadating o kaya umaalis?" tanong pa nung isa.

"Kaklase ko si Martin simula high school. Tsaka may pinopormahan daw 'yon sa team kaya nanonood ng praktis naten," paliwanag ko sa kanila kasi yun naman ang sabi sa'kin ni Martin dati.

"Talaga? Sino raw ang pinopormahan niya?"

Nagkibit-balikat ako. "Baka si Bel," sabi ko. Si Bel kasi yung pinaka-maganda sa team kaso wala siya nung araw na 'yon kaya siguradong dismayado si Martin.

"Ang dense-dense mo talaga, Charlie. Dense na nga, naive pa," sabi nung Captain Ball namin habang nagliligpit kami ng mga gamit pagtas naming magbihis sa shower room. "Ikaw ang gusto no'n, ayaw lang niyang umamin sa'yo."

Tumawa talaga ako ng malakas hanggang sa sumakit ang tiyan ko. Bukod sa hindi ko naintindihan yung mga una nilang sinabi, imposible naman kasi. "Walang magkakagusto sa'kin kasi 'di pa ako nagdadalaga," katwiran ko sa kanila tas nagtaasan yung mga kilay nilang lahat.

Ays lang naman kung walang nagkakagusto sakin eh. Di naman importante yun. Mas mahalaga sa'kin ang magkaroon ng maraming kaibigan. Tsaka wala pa naman sa isip ko ang magkaboypren lalo na nung nakita ko kung pa'no nag-away sina Kuya Mac at Kuya Chuckie dahil kay Ate Elise, o kaya si bespren Louie nung nabasted siya ni Aidan, o kaya nung nabasted din si bespren Chan-Chan ni Krystal.

Pede naman sigurong hindi nalang ako ulit magkagusto kahit kanino. O kaya walang magkagusto sa'kin basta marami akong friends. Mas gusto ko yun.

"Believe me, Charlie. Merong nagkakagusto sa'yo. Baka kilala ni Martin. Subukan mong tanungin."

Wala sa loob akong tumango na lang. Ayoko ngang tanungin. Baka mamaya sabihin lang ni Martin na babae na naman ang may kras sa'kin, malaman na naman nina Kuya. O kaya, mas malala, makaabot na naman kina Mama. Siguradong sasabunin na naman ako ng mga 'yon.

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now