Chapter 18

9.7K 312 211
                                    

Medyo matagal akong naghintay ng mga reply nina Kuya sa teks ko tungkol sa panliligaw ni Martin. Mukhang nagtatampo nga talaga sila sa'kin, huhu. Pero hindi talaga ako natulog hangga't hindi ako nakakatanggap ng reply galing sa kanilang lahat.

 

Kaya habang naghihintay, binasa ko na lang lahat nung mga nasa inbox ko. Ngayon ko lang kasi naalalang hindi ko pa tinitignan yung ibang natanggap kong teks nung naglayas ako kagabi.

 

Tama nga ang hinala ko. Puro galing kina Kuya tas dumagdag pa si Hiro na nag-aayang lumabas daw dahil ililibre niya ako. Siya na nga ang nag-aaya, siya pa ang galit. Tss. Bakit 'di na lang kaya si bespren Louie ang ayain niyang lumabas para makapag-bonding din sila?

 

Hindi ko muna sinagot agad yung teks niya kasi may dalawang mensahe na 'di ko kilala kung kanino galing.

 

From: Unknown Number 1

Hello Charlie :) musta?

 

From: Unknown Number 2

Uy, miss na kita.

 

Sino kaya 'tong mga 'to? Sina bespren kaya na nagbago na naman ng number?

 

To: Unknown Number 1

Ays naman ako. :) Bespren, ikaw ba to? Nagpalit ka na naman ba ng number? I miss you *3*

 

To: Unknown Number 2

Ako rin bespren, miss na rin kita.*3* Nagbago ka na naman ng number? :)

 

Sa totoo lang, nakakatamad iteks yung dalawang yun. Ayaw kasi nila yung shino-shortcut ko yung mga teks ko sa kanila. Kailangan talaga buong salita. Sa dami ng gusto ko laging sabihin sa kanila, hindi kakasya sa isang message lang lahat. Nagtitipid kaya ako ng load. Tss.

 

Maya-maya pa, nagsidatingan na rin ang mga sagot nina Kuya.

 

From: Kuya Doctor Marcus

Uuwi ako bukas. May ipapagawa ako para diyan sa gustong manligaw sayo.

 

From: Kuya HR Mac-Mac

Ako rin may ipapagawa diyan sa Mar10 na yan. Para mas makilala pa namin. :D

 

Halatang naka-group message din sila kung sumagot. Pinagtutulungan talaga nila ako, wahuhu. Pero sempre mas marami silang alam tsaka ako yung humingi ng tulong eh. Pero kinabahan talaga ako. Baka naman kung ano ang ipagawa nila kay Martin! Huhu. Ang hirap naman ng may maraming kuya.

 

At ngayon ko lang naisip na...mahirap pala ang maraming kateks. Paubos na load ko eh.

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now