Chapter 16

10.2K 319 113
                                    

Kahit sobrang lakas ng pagsinghap ng mga kaklase namin, parang wala akong narinig. Parang nabingi ako sa sinabi ni Martin. "H-Ha?"

"Sabi ko, manlili--"

"Ahhh...teka," pigil ko sa kanya habang nakataas pa ang dalawang kamay ko para pahintuin siyang magsalita. Saka ko hinila papalayo si kuya ko at nilingon sila habang naglalakad kami papalayo. "Ano...balik ako agad. Ganda ng joke mo, Martin! Natawa ako, ahaha..." dugtong ko pa bago tumawa nang pilit at tuluyang kinaladkad si kuya ko.

Huminto sa paglalakad si Kuya Chuckie nung nakalabas na kami ng building. "Malapit nang magstart yung first class. Alis na ako," tipid niyang sabi sa'kin at sa tono ng boses alam kong galit siya. Huhu.

"'Wag kang maniniwala sa biro ni Martin, joke lang talaga 'yon, Kuya--"

"Di mo ba alam? Jokes are half-meant," putol niya sa'kin at akmang tatalikod na kaya hinila ko ulit siya.

"Kuya..." pagmamakaawa ko.

Tumigil siya sa paglalakad pero di ako nilingon. "Malaki ka na diba? Alam mo na kung anong ginagawa mo. Kaya mo na 'yan. Simula ngayon, hindi na kita pakikialaman." Tas naglakad na ulit palayo.

"Kuya Chuckie..." malungkot kong sambit pero 'di na niya ako narinig kaya bumalik na lang ako sa classroom. Pipilitin ko talaga si Martin na sabihing biro lang 'yung sinabi niya kanina. Kasi diba, paano nalang yung pinopormahan niya sa team namin?

Naririnig kong nagkakantiyawan yung mga kaklase ko. Pero pagpasok ko sa room, tumahimik na naman silang lahat at naramdaman kong sa'kin sila nakatingin. Lalo na si Martin na hindi ko matignan nang diretso kasi...hindi ko alam. Huhuhu.

"Ahh, Charlie, ano'ng sabi ni Sir Chad?" eksaytment na tanong nina Dennis.

"Ha? Wala naman," pagsisinungaling ko na lang. "Joke lang naman 'yon, diba, Martin?"

Marami sa mga kaklase namin ang napalatak sa sinabi ko pero ngumiti lang si Martin bago nagsalita. "Hindi 'yun joke, Mahal na Pinuno--"

"Mahal na Pinuno....Mahal KONG Pinuno na kasi ang sabihin mo since umamin ka naman na! Ayieee. Martin, Charlie....MarLie!"

"'Wag nga kayo!" naiinis kong sumbat sa kanila bago ko hinila naman si Martin palabas ng classroom namin para di kami marinig ng mga kaklase namin. "Sabihin mong biro lang 'yon," halos pagmamakaawa ko.

"I'm sorry Charlie pero seryoso ako. Liliga--"

"Paano na si Bel?!"

"Sino 'yon?" takang tanong niya.

"Diba? Yung pinopormahan mo sa team namin!"

"Wala kaya akong sinabi. Ikaw yung pinapanood ko kasi nga matagal na kitang gustong liga--"

Tinakpan ko ang parehong tenga ko. "Waaaahh! Alam mo bang naglayas pa ako kagabi kasi pinagtanggol kita? Tas malalaman kong tama pala sila? Tas ngayon galit sa'kin si Kuya Chuckie ko kasi nagmagaling ako! Baka pag-uwi ko sa bahay mamaya galit na rin pati lahat ng kuya ko!" ngawa ko bago kumapit sa parehong braso niya. "Plis, Martin, bawiin mo 'yung sinabi mo."

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now