Spring Six: Atypical

2.3K 108 14
                                    

Spring Six: Atypical

..~*+*~*+*~*+*~..

Lumipas ang mga araw, linggo, at maging buwan, pero wala pa ring pagbabago sa amin ni Jin—hindi pa rin kami magkasundo at palagi pa rin kaming nag-aaway. Matigas kasi ang ulo niya at ayaw niyang kumilos nang mag-isa. Palaging kailangan nandiyan si Jamaica, palaging kailangan kasama si Jamaica, palaging kailangang nasa tabi niya si Jamaica. Ayos lang sana kung hindi Jamaica ang pangalan ko eh kaso ako nga si Jamaica.

Buwiset. Gusto kong magpalit ng pangalan.

“Jin! Ano na naman ba ‘to? Bakit hindi ka raw pumasok sa klase mo sa Finance?” asar kong tanong noong nabasa ko ang memo galing sa isang sensei niya na sa akin naka-address. Well, actually, kay Sensei Muse, pero naka-forward sa akin.

“Bakit ako papasok doon?” tanong niya habang nakapatong ang dalawang paa sa coffee table ng boarding house at nanunuod ng kung ano mang katatakutan sa telebisyon.

“Anong bakit ka papasok doon? Bakit hindi ka pumasok?”

“Tinatamad ako eh.”

Buwiset. Umupo ako sa tabi niya. “Jin, kaunting tiis naman. Ga-graduate ka na eh. Dalawang taon na nga ang sinayang mo. Umayos ka naman.”

Bumuntong-hininga siya. “Papasa naman ako kahit hindi ako pumasok diyan. Masasagutan ko pa rin naman ‘yung mga pagsusulit.”

“Eh ‘yun eh kung pumapasok ka rin kapag may exams,” I snapped. He’s a… well, genius. All of them are, anyway. Pero aanhin niya iyon kung hindi siya pumapasok sa exams? Utang na loob. Ano ‘yun, magic para magkaroon ng sagot ang mga test papers niya? Tanga lang?

“Huwag kang praning. Hindi ako babagsak sa subject na ‘yun. Dali-dali lang ng Finance eh,” mayabang niyang sabi.

“Hindi nga ‘yun ang punto! Ang punto eh pumasok ka sa klase!”

Asar siyang napakamot sa batok niya. “Oo na, nang matahimik ka.”

..~*+*~*+*~*+*~..

Pumasok nga siya sa klase niya sa Finance. Hindi lang iyon, pumapasok na siya sa mga iba pa niyang klase.

“Wow, Jam, akalain mo ‘yun? Napapasok mo sa klase ang gunggong na ‘yun?” natatawang tanong ni Jelly.

“Nagtataka nga rin ako eh. Hindi ko alam kung bakit sinunod ako tapos lahat pa ng klase niya ay pinapasukan na niya, ha. Magdiwang.”

Naglalakad kami ni Jelly sa fourth floor hallway ng College of Finance kung saan naroon si Jin. Itse-tsek ko kasi kung talagang naroon nga siya sa klase. Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko siya mula sa malaking glass window.

Pero hindi lang siya ang nakita ko. Nakita ko rin sa loob si Jasmine Torres—ang babaeng sinasabi niyang gusto niya.

Napakurap ako. So… kaya pala. Kaya naman pala nagbago ang ihip ng hangin at pumasok siya sa klase. Sinabi ko iyon kay Jelly.

“Excuse me? Si Jin Young? May nagugustuhang babae?” gulat niyang tanong.

Tumango ako. “Oo nga.”

“Alam ba ng nanay niya ‘yan?”

“Malamang. Meron bang nakakalusot sa kaalaman ng nanay niya?” tanong ko.

“Pero hindi ito puwede! I mean… he’s engaged to you!”

“Alam mo namang kasunduan lang ‘yun. Puwede pa ‘yung mabuwag,” confident kong sabi.

“Pero… as far as I know, wala pang nabubuwag na kasunduan kapag si Sensei Muse mismo ang gumawa,” nakakunot-noong sabi ni Jelly.

“Ito pa lang,” sabi ko. Tiningnan kong mabuti si Jin. Hindi naman kami napapansin ng mga estudyante sa loob dahil abala sila sa pagsusulat at pagkopya ng kung ano mang sinusulat ng sensei sa board. Abala ang lahat bukod kay Jin. Nakatingin siya kay Jasmin na siyang abala namang nagsasulat katulad ng ibang mga estudyante.

Song of SpringWhere stories live. Discover now