Spring Eight: There's Something More

2K 116 3
                                    

Spring Eight: There’s Something More

..~*+*~*+*~*+*~..

“Nagsumbong ka na naman?”

“Kapag ba pupunta ako sa opisina ng nanay mo eh nagsusumbong na kaagad ako?”

“Oo.”

Inirapan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinansin hanggang sa nagsalita siya. “Hindi ako sasabay mamayang hapunan,” sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”

“Lalabas kami ni Jasmin.”

Lumunok ako. Now why does it feel weird? Umubo ako. “Eh ‘di ‘wag.”

“Ang sungit mo. Sinasabi ko lang kasi baka ipagluto mo pa ako.”

“Hayaan mo, ‘di kita ipagluluto,” mataray kong sabi at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Hinila niya ako pabalik. “Teka nga. Bakit ba nagsusungit ka? May dalaw ka ba?”

“Wala. At hindi ako nagsusungit,” sabi ko habang binabawi ang braso ko. “Mauuna na ako.”

Hinila niya ulit ang braso ko. “Sandali nga. Ba’t ka ba ganyan? Nagseselos ka ba?” medyo natatawang tanong niya.

Inirapan ko na lang siya at muling binawi ang braso ko. Ayoko nang magsalita dahil kahit ano naman kasi ang sabihin ko eh hindi niya ako paniniwalaan.

Bumuntong-hininga ako at mabilis na naglakad papalayo. Bahala siya. Mag-enjoy na lang siya doon. At least kahit na papaano ay matatahimik ang araw ko ngayon.

..~*+*~*+*~*+*~..

“Sigurado ka? I’d really be thankful for your help, pero… sigurado ka?” tanong ni Miki sa akin.

Tumango ako. “Oo naman, pero ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan eh. Sigurado ka ba? Hindi ba nakakahiya?”

Umiling siya. “Siyempre naman, hindi! Narinig na kitang kumanta, and I must say that your voice is very beautiful,” nakangiting sabi niya.

Feeling ko eh sasabog ang mukha ko sa sobrang pula. “Sige, pupunta na ako doon sa event. Ilang kanta ba ang kailangan kong kantahin?”

“Isa lang. We’re supposed to have someone sing tonight, pero kasi biglang nagkaroon ng lakad eh.”

Tumango ako. “Sige, Miki, pupunta na ako ngayon doon.”

..~*+*~*+*~*+*~..

Noong dumating ako sa plaza, marami nang tao. Songs for a cause ang theme ng event na pupuntahan ko. Parang singing contest at mahal ang entrance fee ng both candidates at audience. Ang proceeds ay mapupunta sa pagpapagawa ng orphanage for kids. Bilang sponsor ng event na ito, nagpadala ng cash contrinution ang Arco Iris University at nagpadala rin ito ng candidate para sumali sa event. Dahil student council officer si Miki at sa kanya naka-assign ang task na ito, kinailangan niyang maghanap ng singing candidate na magre-represent ng Arco Iris. Eh kaso, sa mismong gabi ng event eh nag-back out ang candidate tapos biglang nagkaroon naman ng emergency ang pamilya ni Miki sa Japan kaya’t kinailangan niyang pumunta doon.

Biglaan ito kaya wala akong nayayang kasama. Hindi ko mahagilap si Jelly at wala naman akong kabarkada sa Arco Iris. Paano ako magkakaroon ng mga kabarkada o ibang kaibigan eh halos lahat ng oras ko ay nakatuon lang sa pag-aaral at kay Jin?

Bumuntong-hininga ako habang naglalakad papunta sa registration booth. Nagpa-register ako at noong binigyan na ako ng number, pumasok na ako sa loob ng studio kung saan gaganapin ang event.

Song of SpringWhere stories live. Discover now