Spring Fourteen: I Belong

2.5K 117 12
                                    

Spring Fourteen: I Belong

..~*+*~*+*~*+*~..

Nakabalik na kami sa Arco Iris. At sa kabila ng mga naranasan namin ni Jin nang magkasama sa loob ng limang araw, tila ba’y wala namang nagbago sa relasyon namin. Ang tanging nagbago lang siguro ay… ako.

Marami na akong naintindihan. Hindi man lubos, pero marami nang nadagdag sa kaalaman ko. Hindi ko man iyon maipaliwanag nang mabuti at maayos, alam kong naiintindihan ko na kahit papaano ang mga pangyayari at takbo ng buhay ng mga Youngs.

Pero wala pa ring pagbabago si Jin at ang tungkol sa girlfriend niyang si Jasmin. Sila pa rin. Nakakairita lang talaga dahil ang timang ng sitwasyon namin. Pero iniisip ko na lang na ganoon talaga eh. Ako man ang mapapangasawa niya, iba naman ang gusto niya. Hindi ko alam kung anong magiging kinabukasan namin nito, pero wala eh… ganito ang sitwasyon.

At higit sa lahat, kahit na alam kong iba ang gusto niya, pinili kong manatili sa tabi niya. Ewan ko kung bakit. Hindi ko alam, sa totoo lang. Ang alam ko lang, hindi man ako ang gusto ni Jin, alam kong ako ang dapat na manatili sa tabi niya.

Hindi ko alam kung paano ang magiging takbo ng relasyon at sitwasyon kapag kinasal na kami. Sila pa rin kaya ni Jasmin? Magkikita pa rin kaya sila? Puwede kaya iyon? Iba ang asawa niya, pero may iba siyang minamahal? Sa mga kuwentong nababasa sa mga libro, oo, alam kong posibleng merong mga ganoong sitwasyon. Pero itong sitwasyon namin… hindi naman ito isang kuwentong nababasa sa libro. Realidad ito.

Pero ika nga ni Sensei Muse, walang imposible sa loob ng House of Young.

Siguro nga… siguro nga ay hindi imposible ang ganitong sitwasyon. Ang tanging hamon na lamang ay kung paano namin hahawakan ni Jin ang ganitong sitwasyon.

..~*+*~*+*~*+*~..

“Eh paano kung ma-in love ka sa iba?” tanong ni Jelly.

“That’s out of the question, Jelly. I am Jin’s bride.”

“Wow, ha. So talagang natanggap mo na?”

Tumango ako. “Oo.”

“But that doesn’t mean eh hindi ka puwedeng ma-in love.”

“Hindi ko iniisip iyon. Iniisip ko ang tungkulin ko bilang Bride of Young.”

“Pero may choice ka naman, Jamaica, eh.”

“At ito nga ang pinili ko.”

“Bakit, Jam? Bakit mo pinili ito? Binigyan ka na ni Sensei Muse ng pagkakataong pumili, ‘di ba? Ibig sabihin ay may pagkakataon ka nang lumaya. Pero bakit hindi mo sinamantala ang pagkakataong matagal mo nang hinihintay?”

Napatitig lamang ako kay Jelly. “Sa totoo lang… hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit. Pinili ko ito kasi… instinct.”

“Instinct?”

“Promise, Jelly, hindi ko talaga alam. Hindi ko maipaliwanag. Basta ganoon. Parang lumulutang ako sa ere at blanko ang lahat, pero isa lang ang malinaw—itong pinili ko.”

Hinawakan ni Jelly ang magkabilang braso niya. “Kinikilabutan ako sa sinasabi mo.”

“Ako nga rin eh,” sabi ko.

“Eh anong gagawin mo tungkol kay Jasmin?”

“Wala akong gagawin.”

“OMG, okay lang ba ‘yun? Kapag nagpakasal na kayo ni Jin, okay lang ba ‘yung may girlfriend siya? My gosh! Ano ang peg mo, legal wife?”

“Ako naman talaga ang magiging legal wife eh.”

“At si Jasmin? The other woman?”

“Hindi. Ang babaeng mahal niya.”

Song of SpringWhere stories live. Discover now