Spring Thirteen: By His Side

2.1K 119 7
                                    

Spring Thirteen: By His Side

..~*+*~*+*~*+*~..

Umiling ako. Bumuntong-hininga naman siya. “Tinupad ko naman ang sinabi ko kagabi, ‘di ba?”

“Oo nga, pero paano kung napahamak ka at hindi mo nagawang tuparin ‘yun? Paano kung hindi ka nakabalik?”

“Makakabalik ako.”

“Paano ka nakasisiguro?”

“Basta sigurado ako.”

Nagpamewan ako. “Saan ba kasi ‘yan? At huwag mong sasabihing hindi mo puwedeng sabihin at mabuti nang hindi ko alam. Hindi ko na tatanggapin ‘yang sinasabi mo,” mariing sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at ipinatong ang magkabilang kamay niya sa magkabilang braso ko. “The less you know, the safer you will be.”

“Screw that, Jin Young. Safe? Can’t you see that I’m far from safe from mental and emotional stress?” I snapped.

Ngumisi siya. “You have to deal with it, Jamaica. All the brides do.”

Naikuyom ko ang kamao ko. “Whatever. Basta hindi ka—”

“Please?”

Napapikit na lamang ako at bumuntong-hininga. Wala akong matinong magawa kundi ang tumango. Muli siyang ngumisi. Mabilis siyang kumaway at nagpaalam. “Ja amata ne.”

Napaupo na lamang ako sa kama. Heto na naman. Ilang oras ko na namang pagdadaanan ang daan patungo sa ikababaliw ko.

..~*+*~*+*~*+*~..

Ibinaling ko ang atensyon ko sa paghahanap ng iba’t-ibang halamang nasa paligid. Nakakapagtaka dahil ni minsan ay hindi naman ako nagtagal sa gubat, pero mabilis akong nasanay sa pasikut-sikot sa area na malapit sa kubo. Hindi ako nawawala. Nakakabalik naman ako ng maayos. Parang tumalas ang pandinig at paningin ko. Parang mas naging alerto ang instinct ko.

Siguro dahil mag-isa lang ako at alam kong nasa isang lugar ako kung saan wala akong kaalam-alam. At kailangan kong mag-rely sa sarili ko dahil ayokong magmukmok lang sa isang sulok para hintayin si Jin. Kailangan kong kumilos at matutong mag-adapt sa lugar. Kailangan kong gumalaw.

Naisip kong kailangan ko talagang magawan ng paraan ang tungkol sa Nyctalopia ko. Hindi ako makakatulong kay Jin kapag meron akong ganito. Pero paano? May lunas ba rito? Sana maalala kong kausapin si Sensei Muse tungkol dito.

Lumipas ang mga oras hanggang sa gumabi na. Wala pa rin si Jin. Nagsimula na naman akong kabahan at pagpawisan ng malamig. Hindi na ako mapirmi sa isang tabi. Lakad ako nang lakad sa loob ng kubo.

Tiningnan ko ang oras. Mas matagal na ito kaysa sa mga nakaraang gabi. Malapit nang mag-alas dose at hindi pa rin siya bumabalik. Nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang kaba.

Dahil doon, hindi na ako nakatiis. Lumabas na ako mula sa kubo habang dala-dala ang maliit na lampara. Alam kong delikado, pero kailangan kong makita si Jin. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, pero hindi puwedeng uupo na lang ako at hihintayin siya. Kailangan ko siyang mahanap.

Naglakad ako papalayo sa kubo at totoong hindi ko na alam kung nasaan ako. Hindi ko na inisip kung may panganib bang nasa paligid ko. Ang tanging nasa isip ko na lamang ay masiguradong nasa kaligtasan si Jin.

Dahil sa pagmamadali ko, sumabit ang paa ko sa ugat ng puno. Natumba ako at nabitiwan ko ang lampara. Namatay ang apo ay dumilim ang paligid. Natigilan ako. Wala akong… makita.

Lumipad ang palad ko papunta sa bibig ko para mapigilan ko ang pagsigaw. Hindi dapat ako sumigaw. Paano kung nasa malapit lang si Jin at marinig niya ang sigaw ko? Iisipin niyang nasa panganib ako at paano kung puntahan niya ako? Paano kung masira ang misyon niya dahil sa akin?

Song of SpringWhere stories live. Discover now