Chapter 6 |His way|

12 3 0
                                    


Magmula nung nangyari kahapon ay hindi na muna ako pumasok sa eskwelahan ngayon. Ni hindi na rin naman nangulit si Van sa nangyari.

Maghapon akong nakatulala lang habang nasa harap ang mga requirements ko sa trabaho pati na din ang pagkadami daming paper works sa school na gagawin ko pa.

Walang pumapasok na mga lesson o mga gawain sa utak ko. Iniisip ko lahat lahat ng nangyari sa pagpasok ni Van sa buhay ko.

Una, Is he really that friendly para kalabitin ako para makipagkilala at gustong makipagkaibigan?

I'm not doubting his actions in showing his concerned to me, but the mere fact that nilapitan niya ko and he suddenly introduce himself is really confusing.

Limang buwan na magmula nung nangyari yun, tuloy tuloy lang ang routine kung saan nandiyan si Van, na nang aasar at nangbabadtrip ng araw ko, kasabay ko nang kumain tuwing vacant time.

And even sa mga school works, kasa-kasama ko siya.

All his actions and giving endearment of "baby" or "misis ko" are just nothing for me.

Pero nang malaman ko ang sinabi ni Faye kahapon ay di ko na alam ang paniniwalaan ko.

Ayoko ring mag assume na baka nga. But I do believe also in a quote of "sometimes, jokes are half meant"

So, what to do Zaph?

Confront him? Or just wait him to tell?

Tell what? I rolled my eyes in my thought.

Maghapon akong nasa apartment lang. Binalak kong maggrocery na lang pero wala talaga akong ganang maggala ngayon.

Kinabukasan ay pumasok na ko sa eskwelahan. Gaya ng nakagawian, mag isa lang ako at diretso na sa room.

Nang makita ko ang upuan ko ay agad na kong umupo at yumuko sa mesa.

Ayoko siyang makita. Di ko alam kung paano ako makikitungo sa kaniya.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin pero hindi ko pinansin yun.
Malamang siya yun!

"May sakit ka ba?" Halos mapaigtad ako sa inuupuan ko nang may magsalita galing sa tabi ko.

Wala na ang postura ko!

Di ko siya tinitigan o sinagot man lang. Humarap lang ako sa board na nasa harap at tinikom ko na lamang ang bibig ko.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Galing sa aking peripheral vision, ramdam ko ang tingin niyang nakapagtataka sa mga kilos ko.

Magmula first period ay kita ko ang mga titig niyang di maalis alis sa akin.

Bakit siya ganiyan? Ang hirap magfocus.

Bago pa lamang magbreak time ay hinanda ko na ang mga gamit ko para nang sa ganon ay mahakot ko na to palabas ng walang kahirap hirap.

Nang magbreaktime na ay ganoon nga ang ginawa ko.
Walang lingon lingon. Ni hindi niya rin naman ako tinawag.

Nang malapit na ako sa ground ng school ay tinignan ko kung may sumusunod ba sa likod ko. Wala din naman.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now