Chapter 10 |Sorry|

27 3 0
                                    


Kinabukasan ay nagising ako ng marinig kong may tumatawag sa aking phone.

Ito na naman ang pinaghalong kaba at saya ko nang makitang si Papa ang tumawag.

"Pa.." Nagising ang diwa ko sa lamig ng background ng linya.

Nang makailang segundo ay wala pa ring nagsasalita.

Tinignan ko kung mahina ba ang signal o baka namute ko ba, pero wala talagang nagsasalita.

"Pa?" Tawag kong muli dito.

"A-anak.. I-I'm Sor..ry." Paos at utal nitong sabi.

Sobra sobra ang kalabog sa aking dibdib ng marinig ang kaniyang boses. Paos ito at tila ba nahihirapang huminga.

"Pa! Pa! Anong nangyayari? Papa nasaan ka?" Sigaw ko sa linya.

Wala nang sumagot kaya't mas lalo akong kinabahan.

"Pa! Papa!!" Humahagulgol na ko kahit hindi ko alam ang nangyayari.

Isa lang ang ibig sabihin nito. May nangyaring masama kay Papa! At wala ako roon para malaman kung anong nangyari.

Isang kalabog galing sa pintuan ng aking kwarto ang namayagpag.

Nakita ko siyang nakatayo at hingal na hingal. Kuryoso itong nakatingin sa aking cellphone.

Teka--pano siya nakapasok?

"What's wrong Zaphira? What happened?" Lumapit siya sa akin at napamura ng makita ang mga luha sa pisngi ko.

Naalala ko ulit si Papa.

Tinignan ko ang cellphone ko at putol na ang linyang nagsisilbing koneksyon naming dalawa.

"Si.. Si Papa." Usal ko.
At humagulgol muli.

Hindi ko alam ang nangyayari kaya't gusto kong puntahan si Papa.

"What happened to your father? Damn, baby please talk." Tsaka niya ko dinala sa kaniyang dibdib at niyakap.

"T-tumawag siya kanina.. Nagsorry siya. H-Hindi ko na narinig pa yung boses niya.. N-nag aalala ako." Ramdam ko ang pagpiyok  na ang boses ko.

Kahit na hindi niya alam kung bakit napunta ako dito sa maynila o kung bakit hindi ko kasama si Papa ay sinabi ko pa rin sa kaniya ang nangyari kanina-nina lang.

"I want to go there Van.." Hagulgol ko.

Hindi ko kakayaning isipin ng isipin at hulaan kung bakit nagsorry si Papa at ganoon ang boses niya.

Napaigtad ako ng maramdamang tumawag muli si Papa.

"P-Pa!" Kahit na nautal ay naging masaya muli ang boses ko dahil tumawag siya.

Tinitigan ko naman si Van. Nakatitig lamang siya sa akin habang nakikipag usap ako kay Papa.

"Zaphira.."

Kumunot ang noo ko ng mapagtantong hindi boses ni Papa iyon kundi boses ni Nana Selia!

"Nana Selia? Kayo po ba yan?" Tanong ko.

Narinig kong bumuntong hininga ito bago sumagot, "Oo, Zaphira iha, ako nga."

Sobra sobra ang kaligayahan ko nang makausap si Nana Selia. Parang kahapon lang ay iniisip ko pa ito.

In the Shell of Emptinessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن