Chapter 12 |Betrayal|

9 3 0
                                    

Napapitlag ang aking katawan dahil sa init na tumatama sa aking mga mata.

Umaga na pala.

Bahagya kong inalala kagabi kung anong nangyari bago ako makatulog.

Napahawak ako sa akong labi dahil naalala ko ang nang malinaw at klaro ang nangyari.

Sa tingin ko'y namumula na aking pisngi dahil sa aking naisip.

Hinanap ko ang aking cellphone sa side table. Nahagip naman ng kamay ko ang isang larawan na laging nakalagay sa aking table.

Ang picture namin kasama si Mama't Papa.

Tatlo lamang kami sa larawan. Si Papa na nasa Kanan at kaakbay si Mama na nasa kaliwang bahagi at ako naman ay nasa gitna. Lahat kami rito ay nakangiti.

Kita ang kinang ng porselas na ibinigay ng mga magulang ko sa litrato. Ito rin yung araw kung saan pumunta kami sa isang karagatan malapit sa Puerto Sigla.

Napangiti ako ng makita ito.
Depinang depina ang mga saya sa aming mga mata rito sa litratong ito.

Ang saya namin bilang isang pamilya.

Di ko namalayang bumaha na ang aking luha dahil sa aking emosyon.

Ma, Pa, why did you end up leaving me alone?

Kalauna'y di ko napigilan at napahagulgol na ako.

Ang pamilyang buo at masaya,
Kung saan ang saya ay tila di mo maiisip na matapos dahil sa pagmamahal sa bawat isa.

Pero tila nga kaakibat nang saya ay ang lungkot.

Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami daming lungkot na mararamdaman ko ay ito pa.

Ang maghiwalay si Mama't Papa.

Nasa dining table kami kung saan kami ni Mama ang kumakain ng hapunan.

Malalim na ang gabi at narito kami't magsasalo sa pagkain na inihanda ni Mama.

"Ma, bakit parang ang dami nating pagkain ngayon?" Tanong ko.

Nang tignan ko kasi ang pagkaing inihanda ni Mama ay napamaang ako sa sobrang dami. Mauubos ba namin ito?

Kahit kasama si Papa ay hindi namin mauubos lahat ito.

"Anak, darating kasi ang mga kaibigan ko galing Maynila, minsan lang kami magkita kaya naghanda ako ng kanilang kakainin." Nakangiting tugon ni Mama.

Napangiti na rin ako kay Mama. Ikinuwento na niya sa akin na classmate niya ang mga ito ng sila'y nasa hayskul pa lamang at ngayon na lamang sila nag uusap usap na magkita at bumiyahe ang mga kaibigan nito dito sa Puerto Sigla.

"Ngayon kasi ang punta nila rito sa Puerto Sigla. Mabuti nga't nagtext na sila na malapit na sila kaya't di ko na kailangan pang mamroblema sa paglamig ng pagkaing hinanda ko." Saad nito.

Hindi pa kami kumakain at tinulungan ko na lamang muna si Mama na ilabas pa ang mga pagkain galing sa kusina.

"Ang Papa mo kaya? Sabi niya ay babiyahe siya ngayon pabalik rito. Sabi ko naman sa kaniya, huwag siyang magpakapagod sa trabaho."

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now