Chapter 22 |Graduation|

11 3 0
                                    

Nagising ako ng maaga dahil sa excitement na nararamdaman ko dahil ngayon na ang araw ng Graduation namin.

Malungkot man dahil wala sila Papa at Mama na dapat nasa aking tabi at kasabay kong tutungtong sa entablado ngunit ikinibit balikat ko na lamang iyon dahil alam ko naman na kung nasaan man sila ngayon ay masayang masaya sila para sa akin.

This is for them, after all.

Masagana akong kumain at agad na tinext si Vandrius ng goodmorning.

Hindi rin naman siya nagreply kaya napagtanto kong baka tulog pa ito.

Hapon ang simula ng aming graduation at ngayon ay alas otso y media pa lamang ng umaga. Nag almusal muna ako at nanuod ng TV ng sa ganon ay mawala ang pagkabagot ko sa mga nalalabing oras bago ang aming graduation.

Umabot ng alas dies ng umaga ay hindi pa rin nagrereply si Vandrius. Madalas naman ay mas nauuna pa itong magising kaysa sa akin.

Mukhang may balak itong hindi ako replyan buong oras bago mag-graduation ah. Panigurado may surpresa na naman iyon.

Nang pumatak ang alas dose sa orasan ay nagsimula na kong mag ayos ng aking sarili. Alas tres pa naman ang simula ng seremonya ngunit inagahan ko na rin ang pag aayos dahil baka magkulang ang oras ng aking pag aayos.

Una kong inayos ang buhok ko. Sariling sikap ko itong itinali ng papusod at ikinulot ang pinakailalim nito.

Isinunod ko naman ang pag ayos ng aking mukha. Simula sa mata na nilagyan ko ng kung ano anong kolorete hanggang sa matapos ang buong make up ko sa mukha.

Marunong naman akong mag ayos ng mukha dahil sa Puerto Sigla ay puro mga eleganteng salu-salo ang laging idinaraos doon.

Pagkatapos ng lahat ay inilagay ko na ang accessories ko sa mga parte ng aking katawan na dapat paglagyan nito. At nang matapos ako ay humarap na ako sa salamin.
This is what I am way back when I was a young lady na sarili ko lamang ang iniintindi ko.

Ganito ang palaging ayos ko. Ngunit nagbago lamang iyon ng narito na ko sa Manila. Hindi na kasi ako gaanong nag aayos. Yung simpleng ayos ko lamang ang aking ayos kapag pumapasok ako sa eskwelahan.

Napangiti ako ng makita ang aking repleksyon sa salamin.

'Pa, Ma, This is your beautiful daughter!'

Napahalakhak na lamang ako sa aking iniisip.

Nang mag 2:45 ay lumabas na ako sa aking apartment at nagbabakasakaling nariyan na sa labas si Vandrius na nag aantay sa akin para sabay na kaming pumunta sa school.

Ngunit walang Vandrius na nag aantay.

Marahil ay kasama na nito ang kaniyang mga magulang at nakasakay siya sa sasakyan ng mga ito kaya hindi kami magsasabay ngayon.

Nagpara na lamang ako ng tricycle at sinabihang ihatid ako sa aming eskwelahan.

Nang bumaba na ko ng tricycle ay kita ko na ang mga kapwa ko mag aaral na ga-graduate ngayon na mga nakatoga rin katulad ko.

Napangiti ako dahil ang ganda nila tignan sa aking paningin. Panigurado ay mas doble ang sayang nararamdaman nila sa mga nangyayari ngayon.

In the Shell of EmptinessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang