31

1.9K 30 0
                                    

"Sana hindi. Ayos naman tayo bago mangyari yung aksidente diba?"

Oo naman. Paghahandaan ko na nga yung pag-amin ko sayo eh. Kung hindi lang nangyari yun. Ngapala, na celebrate nyo ba yung birthday ni Giddy? Sorry kung ako ang nakasira nun ha..

"Sorry ha.. kung ako ang may kasalanan ng pagkabugbog mo.."

Wag ka mag-sorry Kimmy.. wala kang kasalanan. Kasalanan ko ang lahat. Please Kimmy.. hindi ikaw ang may kasalanan.

"Jim?" Sh*t. Nahuli ako. Nagdadalawang-isip pa ko kung haharapin ko sya at sasabihin ang totoo.

Pero mas pinili ko parin na lumayo na lang. Para sa kanya.. para sa mahal ko..

"Jim? Jimmy! LT!" nagsimula na kong maglakad. Binilisan ko na lang ang paglakad para di nya ko maabutan.

"J-Jimmy.." Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko na kaya.. nauutal na sya.

"Jimmy.." bumuntong-hininga muna ko bago sya harapin. Eto na Jim.. kailangan mo ng magpanggap.

"Ano na naman ba ha?!" biglang tumulo ang luha nya. Sh*t. Nadudururog yung puso ko.

"M-mabuti naman at.. ayos ka na.." Hindi ako ayos Kimmy.. para kong sinasaksak tuwing sinasaktan kita.

"O, bakit masaya ka pa? Diba dapat nagluluksa ka na ngayon dahil buhay pa ko?" Napalaki ang mata nya. Hindi na ko tumingin sa mga mata nya. Nasasaktan akong makita na nasasaktan sya.

"A-ako? Hindi ko.. magagawa yun.. Jimmy--"

"F*ck! Stop calling me that name! Hindi ka nanay ko para gawan ng sariling version ang pangalan ko!" Pinutol ko na sya. Ayoko ng naririnig galing sa kanya ang 'Jimmy' dahil pinapaalala lang nya sakin ang nakaraan. Na sya si Kimmy.. ang mahal ko..

"S-sorry.." Kung pwede ko lang syang yakapin.. kung pwede ko syang patahanin..

"Walang magagawa ang sorry mo." cold kong sabi at umalis na. Biglang tumulo ang luha ko.. hindi ko na kaya.. hindi ko sya kayang makikitang ganun.. mas nasasaktan ako..

= Joyce's POV =

"Huy Kimmy! Tumino ka nga! Kanina ka pa ganyan eh!" Niyuyugyog ko na si Kimmy. Kanina pa yan wala sa sarili magmula sa school hanggang dito sa bahay nila. Sinamahan ko na.

"B-Bakit.." Biglang tumulo ang luha nya. Kaya agad ko syang niyakap. Ano bang nangyayari kay Kimmy? Hindi naman sya ganito ah..

"Kimmy.. please sabihin mo sakin.. please Kimmy.." sabi ko. Hinawakan ko ang balikat nya.

"S-Si Jim.." Napabuntong-hininga ako sa sinabi nya. Alam ko ang plano ni Jim. Alam naming lahat yun. Pinag-usapan namin.

"Kimmy.."

"Alam mo ba?" Tumingin ng deretso sakin si Kimmy kaya napaiwas ako. Ayokong sabihin sa kanya ang totoo dahil baka mapahamak na naman sya. Ayoko nun..

"Joyce! Alam mo ba ha? Alam mo ba na nilalayuan ako ni Jim?" Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ng luha nya. Shems. Sinasaktan ko ang kaibigan ko.

"Joyce--"

"Hindi ko alam." Sorry Kimmy.. sorry kung nagsinungaling ako. Masasaktan ka lang pag sinabi ko ang totoo.

"Anong bang nagawa ko!" Sigaw nya at pinagpapalo yung kama nya. Niyakap ko sya para pigilan.

"J-Joyce.. ako ang may.. kasalanan.."

"Kimmy.. lahat ng bagay may dahilan kung bakit nangyayari. Alam mo yan." Hindi ko man sabihin sa kanya ang totoo, pero tutulungan ko syang lumaban. Tutulungan ko sya na mahanap yung katotohanan.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now