40

2K 35 1
                                    

"P-po?"

Baka mali lang ako ng dinig eh. Malay nyo naman diba.

"Anak. We're sorry. Its only the choice we have. Kung hindi, baka mawala ng tuluyan ang kumpanya." Ulit ni Mama. Parang may tumusok sa puso ko.

M-Magpapakasal ako? At hindi kay Jimmy? Waaaaaaaah! Noooooooo!

"M-Ma.." Tumulo na ang luha ko. Bakit ba kasi nauso pa ang business na yan!

"Kimmy.." Napatingin ako kay Papa. Naiyak na din sya.

"I-I don't know.. Pa, Ma. I'm sorry.." Tumayo na ko at umalis na. Bumalik ako sa kwarto. Nahiga na lang ako.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Kailangan ko ba talagang magpakasal?

Kanino?

Anong magiging lagay ko?

San ako titira?

Magiging masaya ba ko?

Wala na kong nagawa kundi umiyak. Naiipit na ko. Ayokong sukuan si Jimmy. Gusto ko sya lang. Sya lang ang papakasalan ko.

= Jim's POV =

*Tok tok*

"Pasok."

"Apo." Napatingin ako sa nagsasalita. Si Lola pala.

"Oh, La. Bat kayo nandito?" tanong ko at umayos ng upo sa kama ko.

"Wala lang naman. Gusto ko lang kamustahin ang pinaka-gwapo kong apo." Si Lola talaga. Naglalambing na naman.

"Kaya love ko kayo, Lola eh. Halingakayo." Niyakap ko ng mahigpit si Lola.

"Oh, apo. Di naman ako makahinga. Sandali." Napatawa ako. Kahit MEDYO matanda na to si Lola, malakas pa rin. Oh, di ko sinabing matanda na ha. Medyo lang. Ayaw kasi nyang sinasabihan sya ng matanda.

"Kamusta ka naman?" tanong ni Lola sakin.

"Ayos naman po." sagot ko.

"Talaga?" Napatingin ako kay Lola. Anong talaga?

"Po?" Ngumisi si Lola. Oo ngumingisi pa yan kahit MEDYO matanda na.

"Alam kong hindi, apo." Napakunot ang noo ko. Ayan. Nagagaya na tuloy ako kay Kimmy.

"Lola, ayos lang po ako."

"Apo, alam mong may kakayahan akong magbasa ng iniisip at nararamdaman ng isang tao. Dito oh. Hindi ka okay dito." Tinuro nya yung tapat ng puso ko. Hindi talaga ko makakalusot kay Lola. Ngumiti na lang ako ng mapait.

"Alam mo, apo. Mabait sya. Maganda. Magalang. At alam kong maalagaan ka nya." Dire-diretsong sabi ni Lola. Si Kimmy ba ang tinutukoy nya?

"Oo. Si Kimmy Sanchez." Okay. So creepy na Lola ha.

"Nakakabasa po ba talaga kayo ng iniisip?" tanong ko. Napatawa lang si Lola.

"Kahit hindi ko basahin ang isip mo, nakikita ko pag tinitignan mo sya." Ngumiti na lang ako. Nakita ko kasi si Kimmy sa isip ko. Ganun ba talaga ko kahalata?

"Alam mo, ganyan din ang sitwasyon namin ng Lolo mo." Inakbayan ko si Lola at nakinig. Gusto kong malaman ang kwento ni Lolo.

"Nung una, bawal. Kasi ayaw ni Nanay sa kanya. Napaka-yaman na kasi namin noon. At si Franco, simple lang ang buhay nya. Masaya sya. At higit sa lahat, malaya nyang nagagawa ang gusto nya. Dahil walang huhusga sa bawat pagkakamali nya. Samantalang ako, ubod nga ng yaman. Pero para akong nakakulong. Dahil bawat galaw ko, alam ng lahat. Daig ko pa nga ang artista eh. At naranasan ko lang maging masaya nung nakilala ko si Franco. Sya lang ang naglapaligaya sakin. Pero nung pinakilala ko sya kila Nanay, ikinahiya nila ko. Bakit daw ako pumatol sa ganung lalaki. Sa mahirap. At pinapili nila ko. Kung sila daw o si Franco. Gustong-gusto kong piliin si Franco noon. Pero sya na mismo ang bumitaw. Hindi pa raw iyon ang tamang oras para samin. Kaya natuto akong magparaya. Nasaktan ako. Dahil pagkatapos namin, marami pa syang naging nobya. Naging manhid ako. Pero lumipas ang 3 taon, naka-graduate na ako ng kolehiyo. Naging malaya ako. Pero parang may kulang. Hindi pa rin ako masaya. Bumalik sya. Si Franco. At di ko inaasahang wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. Maykaya na sya nun. May maganda na syang trabaho at kumikita ng malaking pera. Ginawa nya daw yun para matanggap sya ng pamilya ko. Sinuyo nya ulit ako. At sinagot ko sya. Kasi gusto kong makumpleto na ko. Pagkaraan ng 2 taon, nagpakasal kami. At isinilang ko ang iyong ina. Naging masaya kami sa loob ng 20 taon. Pero sa di inaasahang pagkakataon, bigla na lang sya nawala. Kinuha sya sakin ng Panginoon. Nung nasa ospital sya dahil sa cancer, sinabi nya sakin na lalaban daw sya para samin. Pero sabi ko, wag na. Na wag na nyang pahirapan ang sarili nya. Kaya na naming mabuhay. Kaya kinuha na sya. Inisip ko na lang na may dahilan kung bakit sya kinuha."

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon