34

1.8K 39 1
                                    

A/N: Sa mga ngayon pa lang magbabasa nito, skip this chapter please. Napansin nyo siguro na 34 na agad. Balikan nyo na lang tong chapter na to if nabasa nyo na ang 32 and 33. Thanks!

"D-Dyan po talaga?" tanong ko.

"Oo. May problema ba, Iha?" Umiling ako. Pero ang totoo? Oo! May problema! Malaking problema!

Alam nyo ba kung kaninong bahay to? Kay Jimmy!

Bakit naman dito nakatira si Lola? Katulong nila? Omo.

"Wala po. Uhm.. wag po kayong magagalit ha. Kasambahay po ba kayo sa bahay na to? Kilala ko po kasi ang nakatira dyan. Wala naman po syang kasama except yung kapatid nya at yung mga kasambahay po." Nahihiya kong sabi. Gusto ko lang talaga malaman. Tsaka itatanong ko na din kung nandyan si Jimmy.

"Ikaw talaga Kimmy. Halika na." Hinila na ko ni Lola. Nanginginig yung mga paa ko. Ilang beses na kong nakapunta sa bahay na to pero iba kasi ngayon eh. Ugh.

Nakapasok na kami. Nagsitunguhan yung mga maids. Ah. Baka si Lola yung pinakahead ng mga kasambahay. Bongga naman to si Lola Lucy.

"Ma'am. Hinahanap po kayo ni Young Master." Hanudaw? Young master? Ano to, Meteor Garden?

"O sige. Susunod na ko." sabi ni Lola. Pero dinala nya ko sa isang kwarto at ginamot. Tawag sya ni 'Young Master' diba?

"Uhm. Lola, sino po si uhm.. Young Master?" tanong ko. Ang weird lang kasi nung name eh.

"Ah. Si--"

"Lola! Kanina pa kita tinatawag eh!" Naputol ang sasabihin ni Lola ng pumasok sa kwarto ang isang napakagwapong nilalang na nag ngangalang 'Jim Franco Gutierrez'.

"Sya ang Young Master, Kimmy. Si Jim Gutierrez, ang apo ko."

= Jim's POV =

Hay nako. Ang tagal naman ni Lola. Nasan na ba yun? Kita ng papasok na ko eh. Di tuloy ako makapag paalam. 

Mahilig kasi yun si Lola sa galaan. Minsan sa kalye lang yan naglalakad. Sobrang simple kasi nun. Kaya mahal na mahal ko yang Lola ko.

Sa totoo lang, mas close ako sa Lola ko kesa kay Mama. Lagi kasing nasa kumpanya si Mama. Well, dati din naman, si Lola ang nasa kumpanya. Patay na kasi si Lolo. Nung pinasa na ni Lola ang kumpanya kay Mama, sya na ang wala palagi.

Pansin nyo, walang lalaki sa buhay ko. Puro babae. Kaya sobrang pinapahalagahan ko ang mga babae.

Narinig kong bumukas ang gate. Buti naman at nandyan na si Lola. Tinawag na din sya ng maids.

Inayos ko na ang uniform ko. Nilagay ko na ang blazer ko at nagpabango. Ayos na! Pogi na ulet. Mapapansin ulit ako ni Kimmy.

Bumaba na ko. Nasan na ba si Lola?

"Uhm Lola.. sino po yung uhm.. Young Master?" Narinig kong boses mula sa guest room. Boses ni Kimmy yun ah! Alam ko sa kanya yun. Araw araw kong pinapakinggan ang boses nya.

Ugh. Kailangan ko na namang magpanggap! Ano ba tong buhay ko!

"Ah. Si--"

Pumasok na ko sa loob. Agad kong nakita si Kimmy na may sugat sa braso. Gustong gusto ko syang gamutin. Sino ba ang may gawa nyan!

"Sya ang Young Master, Kimmy. Si Jim Franco Gutierrez, ang apo ko." Nakita kong napalaki ang mata ni Kimmy. Siguro nagulat sya.

"A-Ah. Ganun po ba? Hehe.. Hi?" sabi nya. Kahit pawisan at haggard na ang mukha ni Kimmy, napakaganda nya pa rin. Sobra.

"Ano po bang ginagawa ng babaeng yan dito, La?" tanong ko. Hindi ko tinitignan si Kimmy. Baka lumambot lang ang puso ko at agawin ang bulak kay Lola at ako na ang maggamot sa kanya.

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon