JoMar Special Chapter

1.8K 35 1
                                    

JoMar SPECIAL CHAPTER

"May I have this dance?"

Nginitian nya ko at kinuha ang kamay ko. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa bewang nya. Nakakapit naman sa leeg ko yung mga kamay nya.

Nagsimula na kaming sumayaw. Mabagal lang pero ramdam na ramdam mo yung..

"Hey." sabi nya.

"Oh?" sagot ko.

"Kamusta na nga pala kayo ni Angel?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano namang tanong yan?

"Bakit?" sabi ko.

"Ano.. wala lang. Uhm.. mahal mo pa ba sya?" Natigilan ako sa tanong nya. Bakit nya ba kasi tinatanong yan?

"Pag sinabi ko bang mahal ko pa sya, maniniwala ka?"

= Joyce's POV =

Ouch. Bakit biglang kumirot yung puso ko?

Bakit ko ba kasi tinanong eh! Ano? Ikaw tong nasasaktan ngayon!

Oo na. Inaamin ko na, sa 5 buwan naming pagsasama, nakilala ko sya. Yung totoong sya. At minahal ko sya. Minamahal ko sya.

Eh ang shunga mo naman Joyce! Diba first love never dies? At si Angel ang first love nya! Ano ba! Bat hindi ka nag-iisip!

"A-Ah.. oo naman. Diba m-mahal na mahal mo yun?" Parang ako mismo ang nagtutusok ng karayom sa puso ko. Ganto ba yung nararamdaman ni Kimmy?

"Sige na. Salamat sa dinner. Mauna na ko." Binitawan ko na sya at lumakad na palayo.

"GANYAN KA NAMAN EH!" Natigilan ako ng magsalita sya.

"Hindi mo ba nararamdaman? Ha? Araw-araw akong nagpapapansin sayo! Araw-araw akong gumagawa ng paraan para maramdaman mo!" - Mark

"Na ano?!" - Joyce

"Na mahal kita!" Di na ko nagsalita. Di na ako makapagsalita. Totoo ba yung narinig ko?

Lumapit sya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Yung sagot sa tanong mo? Hindi. Hindi ko na sya mahal. Kasi narealize ko na nandyan ka. Na mas worth na mahalin ka. Dahil hindi ko naramdaman kay Angel yung nararamdaman ko sayo. Iba ka sa kanya. Oo, minahal ko sya. Pero mas mahal kita. Ikaw ang mahal ko. Nung una, nahirapan ako. Parang di ko kaya. Kasi mahal ko sya eh. Pero as the time flows, unti-unting nawawala yun. Unti-unting nawawala yung hirap na yun. Dahil sayo. Dahil sa tuwing nasa baba ako, ikaw yung nagtataas sakin. Pinapagana mo ko. At nung isang linggo kang nawala? Dun ko na realize na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Dun ko na realize na, MAHAL NA PALA KITA."

Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa mata nya. At ramdam ko yung sincerity nya.

"At kung itatanong ko bang mahal mo ko, oo ba ang isasagot mo?"

Dug dug. Dug dug. Dug dug. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Nagwawala na sya sa loob. Oo, mahal ko sya. Pero bakit ang hirap sabihin? Bakit di ko masabi?

"O, silence means yes."

"Oy! Ang yabang mo! Asa no!" Bigla kong sabi. At sa sinabi kong yun, binitawan nya ko. Nakita ko sa mukha nya yung pagkadismaya.

"Hahaha. Whoo! Hindi pala. Mahirap pa lang umasa no? Ha-ha. Ano.. uhmm.." Tama ba yung nakikita ko? Umiiyak si Mark? Hala.

"Uwi na tayo. Sige. Sandali lang.." Naglakad papunta dun sa darker part. May balak pa atang iwanan ako. Psh. Napaka-OA ng lalaking to.

Bago pa sya makaalis, pumunta ako sa may mic dun at naggitara.

(Now Playing: Last First Kiss)

"Baby I, I wanna know, what you think when you're alone, is it me yeah? Are you thinking of me yeah? Oh."

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now