42

1.8K 29 1
                                    

= Jim's POV =

Walang sumigaw. Walang nag-react. Lahat nakatingin lang kay Kimmy. Lahat kami.

"O, why starin' at me? Diba dapat masaya tayo? It's Jim and Angel's engagement party! Ikakasal na sila! We should be happy, people!" Biglang sabi ni Kimmy. Nakatayo pa yun. I can see pain in her eyes.

Eto yung pinag-aawayan namin ni Mama kanina pa. Wow ha! Di man lang kasi ako nasabihan na engagement party ko to! F*ck.

Umalis na sya pagkatapos nun. Kaya di na ko nagdalawang isip na sundan sya. Naririnig kong tinatawag ako ng napakabuti kong ina. Pero di ako lumingon. Si Kimmy.. si Kimmy lang ang kailangan ko ngayon.

Hindi ko na sya nakita. Napakabilis tumakbo ng babaeng yon. Kaya pumunta akong lake. Alam kong nandun sya. Nararamdaman ko.

At tumpak. Nandun nga sya. Nakaupo sa tabi ng lake. Nagbabato ng mga bato sa tubig. And tears are falling from her eyes..

Gusto ko syang yakapin. Gusto kong patigilin yung mga luhang umaagos sa mukha nya.

But as I'd always said, hindi pwede. Dahil hindi ko kaya. Parang may malaking pader sa gitna namin. Di ko alam sa sarili ko kung bakit di ko kayang gibain ang pader na yun!

"Why are you here?" Nagulat ako sa nagsalita. Si Kimmy. Nakatingin pa rin sya sa lake at alam kong ako ang tinutukoy nya.

"Kimmy.." Nilapitan ko sya. Pero agad syang tumayo ay lumayo sa kin.

"Bakit ka ba nandito? Dapat nandun ka sa ENGAGEMENT party mo!" Iyak pa rin sya ng iyak. Ugh. I hate myself.

"Kimmy, you don't understand--"

"I understand! Naiintindihan ko Jim! Initinding-intindi ko na! You don't have to explain! Wait, well, you'll not explain either." sigaw nya.

"Kimmy.. this is not true. What happened there? It's not true!" paliwanag ko. This is my time. Wala ng kunya-kunyari. Wala ng pero-pero. Eto na yun.

"Tama na Jim. Pagod na ko.. pagod na pagod na ko.." Mas lalo syang napaiyak.

"Kimmy please.."

"Bakit ka ba nag-eexplain?! Buong buhay mo tinataboy mo ko diba?! Araw-araw mo

kinakahiya mo ko! At ako naman, ayun! UTO UTO! Hindi ginagamit ang isip! Laging puso!" I can't speak. Hearing those words coming out from her mouth breaks my heart.

"Jim.. I'll be honest with you. Alam mo ba, ito? *points to the heart* Ang sakit.. ang sakit sakit na.. araw-araw parang binubugbog yung puso ko. Araw-araw parang sinasaksak. Pero matibay eh! Napaka-tibay! Grabe. Ang lakas!" Namamaos na yung boses nya dahil sa kakaiyak. I'm just standing here in front of her watching her hurt. Ang sakit.. masakit din Kimmy..

"Kimmy, maniwala ka sakin.. please.. mahal kita.." Niyakap ko sya. But she is pushing me away.

"Tama na! Tama na Jim! Ayoko ng umasa! Tama na! Tama na.. ayoko na.. ang sakit sakit sakit sakit na.." Pahina ng pahina ang boses nya hanggang sa iyak na lang nya ang naririnig ko.

"You know what? I hate this kind of moments. Because I know that whenever I'm happy, sadness is always in my back.." sabi nya.

"Mahal kita Kimmy. Please maniwala--"

"F*CK THAT LOVE!" Naitulak na nya ko. Dahil nanlamya ako sa sinabi nya.

"Yang love na yan?! Yan ang nagdala sakin sa sitwasyong to! Yang love na yan ang sumira sa buhay ko! At yang love na yan IKAW! IKAW LANG!" Tinuro-turo nya pa ko.

I love you Kimmy.. wag mong sabihin yan pakiusap..

"Sabagay lagi naman ganto ang sitwasyon natin, yung habol-iwas. Why don't we set it permanent? Don't worry wala ng hahabol. Your life will be peaceful now." Napatingin ako sa kanya kasama ng pagbagsak ng luha ko. A-anong sinasabi nya?

"Well, my parents also believe in arranged marriage. Kaya eto! I-aarrange din ako! Ye-hey! Ang saya diba?"

Nagsunod-sunod na sa pagbagsak ang mga luha ko. Kimmy.. don't.. please..

"I'm staying in the states. For good. Para sayo. Para sakin." Lumapit sya sakin at hinawakan ang pisngi ko.

"Be happy okay? I know when are you happy. Alam ko kung masaya ka o hindi. At ako.. I'll.. try to be happy. Yun lang naman ang ma-papromise ko. At least 1% of happiness. Gusto ko lang maging masaya ka." Hinalikan nya ang noo ko.

"Kimmy.. No.. please.. we can start.. Kimmy--"

"Shhh. Patihimikin na natin ang buhay natin.." Unti-unti na nyang binababa yung mga kamay nya. Pero hinawakan ko yun at hinalikan. No..

"I love you Jimmy.. I will always love you. Until I die. Be safe here, okay? Be happy. I love you. You know I don't say goodbye. Pero this is time para sabihin ko yun sayo."

Kimmy.. not now please.. ipinaglalaban na kita.. please Kimmy.. No..

"Goodbye Jimmy. Goodbye.." Tuluyan na nyang ibinaba yung kamay nya at lumakad paalis.. hanggang sa di ko na sya nakita.. wala na..

SHE'S GONE JIM. YOU'RE TOO LATE.

-----

WATCH OUT FOR THE NEXT PART OF OUR STORY. PART 2 NA TAYOOOO!

- juliameeeyzing :*

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon