32

1.8K 30 0
                                    

= Ivan's POV =

Tumatakbo ako ngayon. Papunta sa bahay ng walanghiyang Jim na yon! Napakagago nya! Sya na ang tinulungan, sya pa ang galit!

"Hoy Gutierrez! Lumabas ka dito! Harapin mo ko!" sigaw ko sa labas ng bahay nila.

"Ano bang problema mo ha?!"

"Buksan mo to." utos ko. Pero hindi sya gumalaw. Kanina pa ko nagpipigil dito.

"Binabalaan kita, Franco." matigas kong sabi at umalis na. Nakita kong lumaki yung mata nya ng banggitin ko ang Franco.

Buo na ang desisyon ko. Sinaktan nya si Kimmy? Makikita nya.

= Kimmy's POV =

Here we are again. Kailangan ulit magpanggap, kailangan ngumiti, kailangan magpapansin. Kaya mo to Kimmy! 4th day na.

"Hi Kimmybabes!" sumalubong agad sakin si Ivan. Aba, ang aga nito ah. Madalas late tong lalaking to eh.

"Uy.. Hi." Nginitian ko sya. Medyo na-aw-awkwardan pa ko sa kanya. Kasi kahapon diba? Weird sya?

"O, ano namang iniisip mo?" tanong nya sakin.

"San ka pumunta kahapon?" sabi ko. Bigla namang dumilim ang aura nya. Hala.

"A-ah sorry-"

"Hindi. Dinaanan ko lang yung kapatid ko." Napatango na lang ako. May kapatid pala si Ivan? Akala ko only child lang yan eh. Hindi nya pa kasi nabanggit sakin about sa kapatid nya. Sa parents nya lang.

Nagtuloy-tuloy na kami sa paglakad. Teka, si Jimmy ba yun?

Oo nga si Jimmy! Babatiin ko sya!

"Hi--"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hinila ako ni Ivan.

"Tignan mo to Kimmy oh!" Dinala nya ko sa bulletin board na naduling na ko dahil sa daming mga papel na nakapost dun.

"Ano yun?"

"Ayun!" Sinundan ko yung tinuro nya. Oh my gosh. S-Si Ivan?

Sasali sa Ms. G-gay?

"Omg. Ivan. B-Bakit ngayon mo lang sinabi?" Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Si Ivan? Bading? Hala.

"Eh ngayon ko lang nakita eh. Tsaka ramdam ko din na gusto kong sumali dyan." Omo. Naiiyak na ko. Bakit? So balewala pala yung panliligaw nya sakin?

"I-Ikaw bahala."

"So ok tayo dito?" Excited na excited pa yung mukha nya. So totoo nga. Pinaninindigan nga nya.

"Kung yan ang gusto mo." Nginitian ko sya. Mas lalong lumaki ang ngiti nya. Hay nako. Sayang si Ivan. Ang gwapong bading nito. Nasabi ko na ba sa inyo na almost perfect na ang features ni Ivan?

Black eyes. Pointed nose. Kissable lips. Tapos macho pa. Yung buhok nya parang kay Coco Martin. Haaaay. Si Jimmy kasi, pang-Daniel Padilla ang buhok. Yung bagong buhok nya.

"Una ka na sa classroom. Magreregister na ko ha? Bye! Loveyou!" Tumakbo na sya papuntang registrar. Hay. Nanlalambot ako. Bakit kasi ngayon nya sinabi?

--

Nakarating na ko sa classroom. Maya maya, dumating na din si Ivan. Nakangiti pa ang loko.

"Ok na! Salamat ha." Nginitian ko na lang sya.

Naglunch na. Sabay kami ni Ivan. Wala si Joyce eh. Absent. Ewan ko kung bakit.

*To all students of Louisville, proceed to the Activity Center now. I repeat, all students of Louisville, proceed to the AC. Thank you.*

Hi, I'm His Girlfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon