Vote. Comment. Be A Fan.
Signs of Love
-PrfctlyStbbrnFeeling
"La, birthday ko lang naman po iyan. Ba't kailangan pang maghanda ng marami?" Nakanguso kong mungkahi kay lola habang bumubuntot sa kanya rito sa bayan. Mamimili kami ng ihahanda ko bukas.
"Tigilan mo nga ako sa pagiging kuripot mo, Aly! Hindi lang basta bastang birthday mo. Debut mo!"
Bumusangot ang mukha ko. Ano bang kaibahan niyan sa iba kong birthday eh madadagdagan lang naman ng isang taon ang edad ko. Wala namang espesyal doon. Oo, ganap na akong dalaga pero kailangan ba talagang paghandaan iyon ng bongga? Hindi ko naman siguro ikakamatay kung hindi ako makakapaghanda sa debut ko. Hindi naman siguro nito mahahadlangan ang pagdadalaga ko.
"Kahit na. Sayang iyong pera! Idagdag mo nalang yan sa ipon ko, la!" Suhestyon ko na ikinalingon ni lola sa akin at gusto na ata akong hampasin.
"Pera ko ito Aly. Ang gusto ko ay makapagdebut ka. Parte iyon ng pagiging ganap mong babae. Kahit simple lang. Iyong mga kapitbahay natin, mga kaklase mo ay imbitahan mo narin."
Napakamot ako ng marahas sa ulo ko. Palalamunin ko silang lahat?! Sayang ang pera! Sisiguraduhin ko talagang may regalo sila sa akin. Tapos iyon ang ibebenta ko nang mapagkitaan ko rin at maibalik sa amin ang perang nagastos ni lola.
Siya itong aligaga sa birthday ko. Bumili pa siya ng dress para may masuot akong bago. Iyong cake ay 2 layers. Tapos mga desserts at ulam. Ako lang ata itong nasasayangan sa pera. Ipon niya iyon sa mga naharvest na gulay. Iyong itinatabi niya ay nagagastos niya rin pala sa akin. Kaya nga mas nagdodoble kayod ako para mas makapag-ipon ako ng malaki. Lalo na sa darating na summer ay may youth-camp na naman. Simula kasi noong naging second place ako sa competisyon ay inalok rin ako ni Ma'am na ako nalang daw ang magcater sa youth camp tuwing summer. Noong nakaraan ay malaki ang kinita ko. Napakinabangan ko ang mga maaarteng mayayaman doon.
Ngumiti ako sa mga bisitang dumating. Iyong iba ay mga kaklase kong babae na alam kong hindi ako gusto dahil nga sa mga issue na wala namang kabuluhan. Na inaakit ko raw ang mga lalake sa eskwelahan tapos peperahan ko lang naman daw. Kung iyon lang naman pala ang gawain ko, ba't nagpapakahirap pa ako sa pagtatrabaho? Ni minsan ay hindi ako nagpalibre sa mga lalake roon. Sila lang talaga itong kahit ano ano nalang ang iniimbentong kwento sa akin.
Idinaos ang aking kaarawan sa resthouse ni lola. Iyong paligid naman ay may mga lanterns na umiilaw kaya nagmistulang maganda ang paligid. May mga upuan, mesa, mga balloons na nakadesinyo para mas magmukhang kaaya aya ang lugar. Si lola lahat ang may pakana nito. Ayaw niyang maramdaman kong may kulang sa pagdadalaga ko. Gusto niyang baonin ko raw ito hanggang sa pagtanda ko. Na kahit wala akong mga magulang ay nandiyan siya para pasayahin ako.
Iyong kaklase kong lalake ang nagrepresentang kumanta habang isinasayaw ako ng 18th roses ko. Ni isa ay wala naman talaga akong kaclose. Si lola lang talaga itong namimilit na mang-imbita ako.
"Alam mo Aly, ang ganda mo talaga. Kahit hindi ka palaayos, pag naayusan ka, nabibihisan ng maayos, mas lumalabas ang natural mong ganda. Para kang may foreign features na nakakamanghang titigan." Komplement ng lalakeng kaklase ko sa akin habang sinasayaw ako. Ngumiti ako ng tipid. Nakaponytail ang buhok ko at isang tube dress ang suot ko. Medyo sanay na akong ibalanse kahit papaano ang high heel kaya kahit sa pagsayaw ay nakakaya ko. Light make-up lang naman ang nilagay sa akin at hindi ko alam kung ba't ganoon nalang namamangha ang iba sa akin. Hindi ko naman masabi sa sarili ko na maganda ako dahil nga alam kong may mga lalakeng katulad ni Uno. Simula ng araw na iyon, tumatak talaga sa utak ko na tama si lola, kung hindi para sa iyo ay huwag kang magkagusto. Sabi niya kasi itong puso natin ay parang tayo rin, tanga sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Signs Of Love (Buenaventura Series #2)
RomanceAlyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae. Bata pa lang ay namulat na siya sa estado ng kanilang pamumuhay na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha at kailangan munang pagsikapan...