Signs of Love
Magsasaka
Naglapag ako ng mga makakakain sa lamesa kung saan nakaupo si Papa. Nandito parin kaming dalawa sa veranda. Si Uno naman ay binigyan muna kami ng oras para makapag-usap. Paminsan-minsan ko itong nahuhuling sumusulyap sa amin rito habang tinutulungan niya ang ibang trabahador sa lupain.
Nakatitig si Papa sa lupain. Tahimik lamang ito at parang may malalim na iniisip.
"Pa, kain po kayo." Alok ko, hindi mawala ang malaking ngiti sa aking labi.
Napakurap siya, bumalik sa sarili at nginitian ako.
"Ang laki mo na, Alyssa. Kamukhang kamukha mo ang iyong mama."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Pumipintig ng husto ang aking dibdib dahil sa labis na kasiyahan. Nanunubig parin ang aking mata. Hindi ako makontento sa pagyakap ko sa kanya kanina ng mahigpit at pakiramdam ko ay kulang parin ang lahat ng iyon. Ang rami kong tanong sa kanya pero lahat ng iyon ay nabura nalang. Ang mahalaga, nandito na ang aking Papa.
"K-Kumusta na po kayo?" Tanong ko.
"H'wag mo akong alalahanin. Okay lang naman ako. Ikaw, kumusta ka." Lumingon siya sa lupain, dumirekta agad ang tingin kay Uno. "Iyon ba ang napangasawa mong mayaman kaya ganito na kalago ang lupain?"
"Nako papa!" Umiling-iling ako. "Hindi po. Eh trabahador po iyan rito sa lupain! Di pa po ako kasal." Pagsisinungaling ko. Pero trabahador naman talaga si Uno sa lupaing ito. Siya mismo ang may sabi.
Natawa si Papa. "Akala ko ay mayaman. Masyadong makisig. Siya itong naiiba sa lahat ng magsasaka mo. Di na ako magtataka kung may namamagitan sa inyo." Mapang-asar niyang sabi na ikinapula ng aking pisngi.
Naging tahimik ulit kaming dalawa. Pinanood ko siyang kumuha ng pagkaing inihanda ko sa kanya at kumain.
"Ah, papa. A-Alam niyo po ba ang nangyari kay Lola?" Pagbubukas ko ng panibagong pag-uusapan. Gusto kong malaman kung nakarating ba sa kanya ang balitang iyon.
Natigilan siya sa pagsubo. Bumuntong ng hininga at dahan-dahang tumango.
"Last week ko lang nalaman. Sayang at sobrang huli na ako. Hindi man lang ako nakapagpasalamat kay Mama sa pag-aalaga niya sa'yo." Malungkot niyang sabi. Halos makita mo rin sa kanyang mga mata ang pagdadalamhati.
"S-Sa syudad po ba kayo nakatira ngayon? Bakit po natagalan kayo sa pag-uwi rito? Ano pong trabaho niyo roon?" Sunod-sunod kong tanong. Gusto ko lang talagang malaman. Hindi naman ako magagalit kahit ano pa ang dahilan niya. Ang importante ay masigla siya at mukhang masaya naman.
Hindi siya agad nakasagot. Nag-iwas lamang ng tingin sa akin at sumubo ng pagkain. Kinakabisado ko ang bawat galaw niya, naghihintay sa maaari niyang sabihin.
"M-May pamilya na po ba kayo roon?" Tanong kong muli na nagpatigil sa kanya, na kahit ang pagmuya ay bumagal.
"Hindi naman po ako magtatampo papa. Alam ko naman pong may rason kayo kaya ngayon niyo lang ako napuntahan. Ang mahalaga po sa akin ay okay kayo." Ngumiti ako sa kanya, pilit pinapagaan ang loob nito.
Uminom siya ng tubig. Pinanood ko siya. Doon niya lang ako binalingan nang mailapag niya na ulit iyon. Naging seryoso na ang kanyang mukha.
"Sa pangungulila ko sa iyong ina ay may nakilala akong babae. Kinasal kaming dalawa at n-nagkaanak."
Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib. Nagbabadya ang luha sa aking mga mata pero sinikap kong ngumiti. Ni minsan ba, hindi niya ako naalala? Ang oa mo naman Aly! Ang mahalaga ay okay ang papa mo! Binalikan ka niya! Sapat na iyon! 'Tsaka sanay ka namang mag-isa!
BINABASA MO ANG
Signs Of Love (Buenaventura Series #2)
RomanceAlyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae. Bata pa lang ay namulat na siya sa estado ng kanilang pamumuhay na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha at kailangan munang pagsikapan...