Chapter 11

93.7K 2.8K 422
                                    

Signs of Love

This chapter is dedicated to Jhazmine Anne dela Cruz.
-------
Masaya

Dala ang ibinigay na dress ni Lhuella ay umuwi ako ng bahay kasama si Lola. Naroon kasi silang lahat sa Rest house. Ang sabi ni Lola, kung hindi ko daw gusto iyong dress na binigay ng walang utak kong pinsan ay bibili nalang ako sa bayan. Baka may maukay pa akong desenteng damit hindi kagaya ng bigay niyang parang pangkatulong.

Gustuhin ko mang huwag pumunta sa birthday niya pero nagpapakaplastik ito ni Channy sa amin simula noong Youth Camp. Halatang gusto niya lang makaclose ang mga kaibigan ni Channy dahil magaganda ito at galing sa mayayamang angkan. Idagdag pa si EllieKlaire na sikat palang modelo sa ibang bansa.

"Heto. Bumili ka ng dress mo sa bayan." Binigyan ako ng limang daan ni Lola na ikinabusangot ng mukha ko.

"Kulang ba? Teka dadagdagan ko ng dalawang daa-"La! Kahit nga isang daan malaking halaga na iyon sa akin. Huwag mo ngang kinukupitan ang pera mo para lang naman sa mga walang kwentang bagay." Napanguso ako.

Akma niya akong hahampasin kaya agad akong napalayo sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka! Eh anong gusto mong gawin ko sa pera ko, aber? Ilibing ko sa lupa?"

"Huwag niyong gastusin! Magagamit natin siya sa future malay mo." Pangangatwiran ko na ikinaismid niya.

"Alam mo iyang pinsan mo, Aly. Gusto kong magmukha kang representable. Gusto kong malaman nilang dinadamitan kita ng maayos at naibibigay ko ang mga bagay na gusto mo," mariin niyang sabi na ikinanguso ko lalo. Sayang naman kasi iyang pera niya. Paano kung magkaroon siya ng sakit edi may pera kaming pambili ng gamot niya.

Dala ang perang ibinigay ni Lola ay umalis ako ng bahay. Naglakad na lamang ako total malapit lang naman. Hindi ko rin kasi magamit si Horsey dahil pinagpapraktisan iyon ng magpipinsan. Ayoko rin namang magpasama dahil nagkakatuwaan sila roon. 'Tsaka kaya ko namang mag-isa.

May narinig akong yapak ng kabayo kaya tumabi ako sa gilid para hindi ako maalabukan. Kaso bumagal rin ang pagpapatakbo nila. Ilang sandali lamang ay nakita ko na ang imahe ni Uno.

"Going somewhere?"

"Papunta akong bayan," sabi ko at napatingin sa suot niyang puting cotton shirt, short at isang boots. Halatang tagasyudad ito at pilit na nakikihalubilo sa mga taga rito kahit kapansin pansin siya sa lahat ng ayos.

"Ba't ka naglalakad?" Nagkasalubong ang kanyang kilay at parang may ikinakagalit na naman.

"Dahil may paa ako?" Inosente kong sagot na ikinangiwi niya. Bumaba siya sa kanyang kabayo. Natigil ako dahil sa kakatitig sa bawat galaw niya.

"Ihahatid na kita." Lumapit siya saakin. Napaatras agad ako.

"Huwag na! Kaya kong maglakad."

"Kaya rin kitang ihatid kaya ihahatid na kita." Lumapit siyang muli. Hinawakan niya ang pulso ng kamay ko at hinila ako papalapit sa kabayo.

"Huwag na kasi! Sa bayan ang punta ko!"

"Libre ito, Aly. Kaysa naman maglakad ka. And you're alone. Gagabihin ka sa pinaggagawa mo," iritado niyang sabi hanggang naramdaman ko nalang ang paglapat ng magkabila niyang kamay sa beywang ko. Inangat niya ako sa ere at iginiya paupo sa kabayo niya. Napanguso ako lalo na't napagmamasdan ko ang paglabas ng ugat sa kamay niya.

Umupo rin siya sa likuran ko. Uusog na sana ako nang hinawakan niya ang beywang ko at ipinirmi ako roon.

"Stay still and stop moving." Ang isa niyang kamay ay kinuha ang tali ng kabayo at sinimulan itong patakbuhin. Tumatama ako sa likod niya dahil sa pagkakadikit ko sa kanya. I can feel his chest and it's making me blush. Hindi ko alam kung ba't pinapamulahan ako ng pisngi.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon