Vote. Comment. Be A Fan.
Signs Of Love
-PrfctlyStbbrnDumistansya ka
Nasa hacienda parin ako nila Uno. Ang ibinigay niyang isang supot ng kung ano ang kumuha ng atensyon ko.
"Ano 'to?" Binuksan ko ang kulay brown na supot at nakita ang maraming buto sa loob.
"Since you love flowers, you can plant that outside your Rest House. That's the seed of sunflowers I bought when I was in the City." paliwanag niya na ikinaliwanag ng mukha ko.
"Sunflowers?! Yung magagandang bulaklak na nakita natin doon sa dulo?!" I can't help not to overeact. Nawiwindang ako.
Tumango siya kagat ang pang-ibabang labi, namamangha sa naging reaksyon ko.
Napanguso ako. Bago paman ako makapagsalitang muli ay inunahan niya na ako.
"Stop thinking about the money I spent, Aly. Para sa akin, barya lang ang mga iyon katumbas ng sayang naibibigay ko sayo. Mas mahal 'yon." Malumanay niyang sabi.
Para akong nakahawak ng isang grounded na kuryente at mabilis na kumalat ang nakakakiliting pakiramdam sa akin. Uno's words were electrifying me at hindi ko alam kung paano itatago ang namumula kong pisngi.
He chuckled and caressed my cheek. Nandito parin kami sa loob ng swing.
"Hmm, I know you're going to like it. Do you want to plant this now?" masuyo niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang aking pisngi na para bang may binubura siya doon.
"Sige..."
Pumunta kaming dalawa ni Uno sa Rest House. Nakakapagtaka at wala si Lola roon sa gulayan. Siguro ay umuwi ito ng maaga. Baka nasa bakuran na naman iyon at nagbubungkal ng lupa para may matamnan na naman siyang pananim.
Ginala ko ang tingin sa kabuuan ng lugar. Maliit lang naman ang lupain ni Lola kaya matatanaw mo talaga ang nasasakupan nito.
"Wala nang espasyo e," Bumusangot ang mukha ko nang napuno na ng gulay ang lupain. Kakatanim lang rin kasi namin ni Lola noong nakaraan.
Iginala narin ni Uno ang kanyang tingin. Kahit ang Rest House ay tinitigan niyang mabuti.
"Anong meron sa likod?"
"Uhm, maraming damo?"
Tumaas ang kanyang kilay, parang may naiisip itong ediya. Hinawakan niya ang pulso ng aking kamay at dinala ako sa loob ng Rest House. May isang pinto na nag-uugnay sa likod. Kaso hindi ko iyon madalas binubuksan. Nabubuksan lamang iyon sa tuwing may mga damo rin kaming naputol sa harapan at doon tinatambak. Kaya masasabi ko talagang hindi patag at para nang isang kagubatan.
Pagdating namin sa likod ay kapwa kami natigilan. Katulad ng sinabi ko, marami ngang damo. Naukupa na nito ang kabuuan. Baka nga ay may ahas na riyan.
Nagkatinginan kaming dalawa. Napangiwi ako. "Hindi patag..."
"That's not a problem." Uno smirked at me bragging his handsome face. Hindi ko na alam kung ano ang tinutukoy niya hanggang hinila niya ang bawat magkabilang manggas ng suot niyang damit saka ito hinubad. Napasinghap ako. "I'm going to clean this place." wika niya.
"Ha?! Seryoso ka?!" Hindi makapaniwala kong sabi. Wala kami noong demakinang panglinis ng damo.
Tumango si Uno. Kampanting tiningnan ang paligid habang nakapameywang. Hindi ko maiwasang ibagsak sa kanyang katawan ang tingin. Pag nililingon niya ako ay doon ko agad ibinabalik ang mga mata ko sa kanyang mukha.
YOU ARE READING
Signs Of Love (Buenaventura Series #2)
RomanceAlyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae. Bata pa lang ay namulat na siya sa estado ng kanilang pamumuhay na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha at kailangan munang pagsikapan...