Vote. Comment, Be A Fan.
Signs Of Love
-PrfctlyStbbrnGrieve
Dala ng matinding galit ay pinatakbo ko ng mabilis ang aking kabayo. Alam ko kung sino ang makakalinis ng aking pangalan at kung sino ang makakabawi lahat ng kumakalat.
Pagdating ko sa kanilang mansyon ay nakita ko ito sa kanilang veranda. Nakaupo siya roon kasama ang kanyang mga kaibigan at naghahagikhikan sa kung ano. Dahil bukas naman ang gate ay deri-deritso akong pumasok.
"Magkatulad lang talaga iyang si Chanelle at Alyssa. Kaya siguro puro mayayaman ang nabibingwit. Mga pasimpleng malalandi. Palibhasa mga hampaslupa." Narinig kong komento nito sa amin ni Channy. Dala ng aking galit ay mas binilisan ko ang paglalakad ko roon. Napatingin sa akin ang kanyang mga kaibigan, gulat ang mukha at mabilis na napatayo. Bago paman mapalingon sa akin si Lhuella ay hinila ko na ng marahas ang kanyang braso at kinaladkad siya paalis doon.
"Ouch! Let me go!"
"Linisin mo ang pangalan ko! Linisin mo ang pinagbibintang mo sa aking hindi naman totoo! Alam mo bang galit na galit si Lola sa akin?!"
Hinila niya ng marahas ang kanyang braso sa akin. Nang humarap ako sa kanya ay sinampal niya agad ako.
"You whore! Pagkatapos mong akitin si Uno! Totoo naman talagang manggagamit ka ah? You don't love him right? Alam ng lahat kung gaano ka kasakim sa pera Aly!--"
Sinampal ko rin siya ng ubod ng lakas na nagpatagilid ng ulo niya. Gulat na gulat ito at nanlilisik ang mga mata nang ibaling muli sa akin ang tingin.
"Oo! Sakim ako sa pera pero hindi sa makamundong pagnanasa! Kaya sino ka para sabihin na ginamit ko ang katawan ko para bumigay at kapalit ang isang malaking pera?! Sinisiraan mo ako dahil hindi mo makuha si Uno?! Pwes, ipapamukha ko sayo na ako ang mahal niya! At kahit pa silawin mo siya sa yamang meron ka, kahit sa panaginip niya, hinding hindi ka niya papatulan!" Dala ng galit ay isinigaw ko iyon ng malakas sa mukha niya. Binalot ng matinding galit ang kanyang mukha at hinila bigla ang aking buhok. Gumanti ako. Siguro dahil sa nagpupuyos kong damdamin ay mas malakas ako. Mas natulak ko siya. Iyong mga kaibigan niya ay nagtakbuhan na sa loob sa halip na tumulong.
Halos lagasin ko ang buhok ni Lhuella. Umiiyak na siya at tumutulo rin sa mukha niya ang pag-iyak ko.
"Aly!" Boses iyon ni Tita Felicita. Bago paman ako makalingon sa kanya ay marahas na akong napaalis sa pagkakadagan ko kay Lhuella dahil sa paghila ni Tita sa buhok ko. Tinulungan siya ng mga kaibigan niyang patayuin ito habang ako naman ay halos kaladkarin ni Tita palabas. Napapaatras ako at pilit na inaabot ang kanyang kamay para lang patigilin ito. Doon niya lang ako binitiwan nang nasa may gate na kami at humihiyaw na ako dahil sa sakit.
"Lapastangan! Lumayas ka sa pamamahay ko Aly at baka ano pa ang magawa ko sayo! Baka makalimutan kong anak ka ng kapatid ko!" Galit na galit na sigaw ni Tita sa akin.
"Kasalanan po ni Lhuella Tita! Pinagkakalat niya sa bayan na ginamit ko raw ang katawan ko kapalit ang yaman ni Uno! Nalaman iyon ni Lola at galit na galit sakin! Ang gusto ko lang naman ay linisin n-niya ang pangalan ko!"
"At bakit?! Totoo naman! Tingnan mo nga ang sarili mo Aly! Nakakapagtaka nga naman at sa katulad mo dumidikit ang katulad ni Uno! Lalake iyon! Syempre, siguro ay inakit mo kaya nalunod sa temptasyon! At ikaw na sakim sa pera ay ginamit iyon para perahan si Uno! Alam mo bang pang-ilang beses niyang tinanggihan ang anak ko dahil lang pala sa pang-aahas mo?!"
Napahiyaw akong muli dahil sa sakit nang hinila niya ang buhok ko. Patuloy niya akong kinaladkad hanggang sa mailabas niya ako sa pamamahay nila. Itinulak niya ako hanggang mapaupo ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
Signs Of Love (Buenaventura Series #2)
RomanceAlyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae. Bata pa lang ay namulat na siya sa estado ng kanilang pamumuhay na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha at kailangan munang pagsikapan...