Signs Of Love
Dedicated to Hannan Usman, happu reading!
---
Only oneNapatayo na ako sa sobrang pagkagulat. Hindi ko inaasahan ang plano ni Papa. At bakit niya naman naisipang ibenta ang lupain?
"Pa! Hindi po pwede! Ito nalang po ang natitirang alaala ko kay Lola! Mahalaga po sa kanya itong lupain!" sabi ko, tutol sa kanyang binabalik.
Nabahiran ng gulat ang kanyang mukha, hindi inaasahan ang pagtanggi ko.
"Ano ka ba Aly! Patay na si Mama! At maiintindihan niya rin naman kung bakit natin ibebenta ang lupain!"
Umiling ako. "Ayoko po Papa. Marami naring trabahador ang umaasa rito."
Ngumisi ito ng nakakaloko. Para bang may mali sa sinabi ko.
"Dahil ba doon sa lalakeng paborito mong magsasaka? Dahil itong lupain ang bumubuhay sa kanya? At naaawa ka dahil mahal mo?" May galit na sa tono ng pananalita niya. Umiling ako.
"Hindi po sa ganoon Papa. Hindi lang po si Uno ang inaalala ko rito kundi ang iba ko pang mga trabahador na dito na kumukuha ng pera para ipakain sa kanilang pamilya! Hindi niyo nalang po pwedeng ibenta itong lupain!"
Nabahiran ng galit ang kanyang mukha, tumayo na siya at pinantayan ako. Natingala ko ito dahil mas matangkad ito sa akin.
"Mas tutulungan mo pa ang iba kaysa sa sarili mong ama! Makukulong ako kung hindi natin ibebenta ang lupaing ito Alyssa! May malaki akong utang! Sampong milyon!"
Natigilan ako, na kahit ang pagpintig ng aking puso, pakiramdam ko ay tumigil narin dahil sa narinig.
"Kung hindi agad ako makakabayad sa susunod na araw, sa presinto ang bagsak ko! Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ni Isabel! Maliit pa si Kaycee at ayoko siyang mawalan ng ama!"
Nanginig ang aking labi. Naramdaman ko nalang ang sunod sunod na pagbagsak ng luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako sa mga narinig ko mula sa bibig niya.
"N-Noong iniwan mo ako kay Lola noong bata pa ako, iyong sinasabi mong maghahanap ka ng trabaho sa syudad... ni minsan ba sumagi sa utak mo ang balikan ako dahil namimiss mo na ako? N-Ni minsan ba naalala mo ako bilang anak mo? O bumalik ka lang ngayon d-dahil..." Nabasag na ang aking boses at hindi na madugtungan ang gusto kong sabihin. Hindi ko na napigilang ilabas ang saloobin ko.
"Kaya nga isasama kita sa pag-uwi ko. Dahil gusto narin kitang kasama." Sabi niya, nilapitan ako at hinawakan ang aking magkabilang braso. "Kung ayaw mong ibenta ang lupain, sige hindi natin ibebenta. Pero sa isang kondisyon."
Pinalis ko ang aking luha. Tinititigan ang ama kong mas nagiging seryoso na.
"May anak iyong negosyanteng napagkautangan ko. Kung hindi ako makakabayad sa kanya, sinabi ko naman na may anak akong babae na hindi nalalayo sa edad ng anak niya. Total nasa tamang edad kana, mas mabuting ganoong lalake ang pakasalan mo. Mayaman, maiaahon ka sa kahirapan--"Papa! Hindi po ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal!" Umatras ako sa kanyang pagkakahawak na ikinagulat niya. Umiling-iling ako, mas naiyak sa kanyang pinagsasabi. "Hindi po ako papayag!"
"Gusto mo ba talagang makulong ang ama mo?!" Galit na galit niyang sabi.
"Dahil ba sa magsasaka na iyon, Alyssa?! Anong maipapakain niya sa'yo eh nagtatanim at naghaharvest lamang iyon ng gulay rito sa lupain! Dapat nga ay pasalamatan mo pa ako dahil isang desenteng lalake ang nahanap ko hindi katulad noong isa na gwapo lang pero wala namang yaman! Maging praktikal ka!"
"Hindi po ako naghahanap ng ganoong lalake, Pa! Mahal ko si Uno at iyon ang mahalaga sa a-akin..." Humahagulhol kong sabi.
"Anak, isipin mo naman ang ama mo! Makukulong ako pag hindi ako nakabayad! Buti sana kung mayaman iyang napili mong mamahalin! Kaya niya bang bayaran ang sampong milyon kong utang?"
BINABASA MO ANG
Signs Of Love (Buenaventura Series #2)
RomanceAlyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae. Bata pa lang ay namulat na siya sa estado ng kanilang pamumuhay na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha at kailangan munang pagsikapan...