Block 2

2.3K 88 1
                                        

Chapter 2

[Brieana's Point of View]

Hindi parin mawala yung sinabi sakin ni Jacob. Tiyaka lakad hinto ako papunta sa room imbis na sa kanan ako pumunta kung nasan ang room namin sa kaliwa ako pumunta kasi naman yung sinabi nung Zero. Hays! Brie ano ba hindi ka naman siguro sasaktan ng mga yun.

" Hindi naman siguro takot lang nilang ma expel tiyaka kaya mo naman sila Brie! Maalam ka naman ng self defense! Kaya mo...! "

" Goodluck "

" AY! PUTCHA!!! " Napahawak ako sa dibdib ko at hinabol ang hininga ko. Bigla namang may lumabas na lalaki matangkad siya, maputi at kulay brown ang buhok, wala siyang piercing malinis siyang tingnan pwera lang sa hiwa sa kanang kilay niya. Teka ito yung lalaking kasunod ni Zero ah yung tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos umiling iling pa.

" Bakit ka ba bigla nalang sumusulpot! " Inis na sabi ko sa kanya na ikinakibit balikat niya lang.

" Bakit ka pa bumalik " sabi niya sakin in a casual way.

" Third sinong kausap mo? " Yung boses na nagbibigay sakin ng lamig at kaba. Yung Zero hala peste!.

Para akong aligaga na lumapit sa isang classroom na nananalangin na bukas sana yung pinto. Nang mabuksan ko ay agad kong pumasok at sinara yung pinto. Sumilip ako sa basag na bintana si Zero nga.

" Wala " Sagot ni Third sabay lagay sa bulsa ng dalawa niyang kamay.

" Nga pala anong balak mo dun sa taga Block A kapag ayaw paring umalis? " Tanong nung Third narinig kong tinawag siyang Third therefore I assume that his name is Third. Pasimple naman siyang tumingin sakin na napansin ni Zero kaya tumingin din siya sa tinitingnan ni Third agad naman akong napayuko. Huwag mo kong ituro!

" I give her a chance already kapag hindi parin siya umalis, ano bang ginagawa natin sa mga makukulit at ayaw makinig " Napalunok ako at napasandal sa pader. Ano nang gagawin ko!.

" I hope makinig siya sayo this time " Sabi ni Third. Brie ano na nasa bingit na ng kamatayan yung buhay...

" Aaaaaaaaahhhhhh!!! " Agad akong napatayo at nagtatakbo palabas ng classroom. Hinahabol ako ng daga peste! Waaaahhhh!!! Agad kong na angkla ang kamay ko sa poste na nabungo ko at ikinoross ang mga binti ko.

Nakarinig ako ng nagpipigil ng tawa sa gilid ko. Napatingin ako at nakita ko si Third na nagpipigil ng tawa sabay turo sa direksyon ko. Sht! Sumalubong sa mukha ko ang mukha ni Zero na nakakunot ang noo habang namumula sa galit. Baba na sana ako ng makita ko ulit yung mga daga na nagtatakbuhan ah letse mas mabuti ng mamatay sa kamay ng Zero na to kesa naman mamatay sa kamay ng mga daga...teka may kamay ba ang mga daga ang alam ko apat na paa yun eh ay double purpose pala yun.

" BABA! " Galit na sigaw ni Zero na umalingangaw sa buong hallway dahilan para maglabasan yung iba pang mga kumag.

Umiling ako sa kanya at binigyan siya ng nakikiusap na mga mata. May phobia kasi ako sa daga.

" HINDI KA BABABA! GUSTO MONG IHULOG KITA MULA DITO HANGGANG SA FIRST FLOOR!! " feeling ko umuusok na yung ilong niya sa galit ngayon habang tong si Third tawa lang ng tawa.

" Yung daga kasi! " Sabi ko sa kanya na nagmamakaawa.

" KINGINA! PARANG DAGA LANG KUNG MAKAPULUPOT KA SAKIN DAIG MO PANG SAWA!!! " Galit na galit niyang sabi amoy na amoy ko yung hininga niya sa sobrang lapit namin amoy mint. Pero yung daga kasi!

" May Phobia kasi ako sa Daga " Sabi ko sabay yuko. Hindi ko alam kung aning lang ako pero para siyang natigilan tapos ilang minuto ay napabuntong hininga.

Block ZeroWhere stories live. Discover now