Block 10

1.7K 54 0
                                        

Chapter 10

[Brieana'a Point of View]

Kanina ko pa tinitingnan si Zero pero ang gago hindi manlang akong tinatapunan ng tingin. Bwisit!. Naguguluhan parin kasi ako sa sinabi niya kanina. Kung totoo bang, yun ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi kay Kevin. Na gusto niya kong gantihan dahil lang sa hindi ako pumayag na sunduin niya ko, pero si Jacob ang sumundo sakin.

" Baka matunaw " Sabi ni Cald. Hinarap ko naman siya at sumimangot sa kanya.

" I know there's something going on between the two of you " Bulong niya sakin na nakangiting nakakaloko.

" Hindi ko alam " Sagot ko sa kanya sabay halumbaba. Kung hinahanap niyo si Neo nakikipaglaro ng Rules of Survival kayna Rocky.

" Sa totoo lang hindi ko alam kung ano kami " Dagdag ko.

" Gusto mo ba si Zero? " Tanong niya na tama lang ang lakas para ako lang ang makarinig. Isang tango ang sinagot ko kay Cald.

" Sa tingin mo ba pareho kami ng nararamdaman? " Tanong ko kay Cald.

" Ano ba sa tingin mo? " Balik na tanong niya sakin. Sinagot niya lang ng tanong ang tanong ko nice.

" Magtatanong ba ko sayo kung sigurado ako at alam ko " Inis kong sabi kay Cald na ikinatawa niya lang.

" Ikaw lang kasi ang makakasagot nan Brie " Sabi niya sakin sabay kindat. Wala din naman akong napala sa kanya.

Paglingon ko kay Zero ay nakatingin pala siya sakin. Pero masama ang tingin niya. Inaano ko na naman ba siya. Napaubob nalang ako habang inaantay ang next teacher.

" Good morning class! " Bati ni Ms. Sanchez.

" Good morning Ms!!! " Masiglang bati ng mga kumag. Hays! Iba talaga yung energy nalang kapag si Ms. Sanchez ang kaharap nila bias sila masyado sa ibang teacher.

" So halos isang linggo narin ang nakakalipas ng maging kaklase niyo si Brieana. I can see the progress now " Nakangiting sabi ni Ms. Sanchez.

" Okay na ba sa inyo Block Zero na nandito si Brieana? " Tanong ni Ms. Sanchez.

" Sort of wala narin naman kaming magagawa " Sabi ni Cald. Aba ang lakas niyang magsabi nan ah kung makadikit nga siya sakin daig niya pang tuko.

" Sort of? Cald eh napansin ko nung mga nakaraang araw lagi kang nakadikit kay Brieana hahaha " Asar ni Ms. Sanchez samin. Tama Ms.!

" Oy! Ms. Walang namamagitan sa kanilang dalawa baka samin meron soon! " Pangontra ni Neo na ikinatawa lang ni Ms.

" Mukhang pinag-aagawan na ngayon si Brieana ah eh sa boss ng Block Zero? " Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway sa sinabi ni Ms. Sanchez.

Ayokong tingnan si Zero. Kaya kay Ms. Sanchez lang ako nakatingin. Napakunot ang noo ko ng tumango lang si Ms. Sanchez at nagsimula ng magturo.

" Okay class let's proceed to our lesson " Anong nangyari?. Yung totoo. Napatingin ako kay Cald pero nagkibit balikat lang siya. Tiningnan ko si Neo pero umiling lang siya at nagsimula ng maglaro sa cellphone niya.

Natapos ang klase namin at lunch break na. Hindi nga nagbibiro si Jacob sinundo niya pa talaga ako.

" Brie tara na, Yana's waiting for us " Napalingon ako kay Kevin dahil sa pagbanggit ni Jacob ng pangalan ni Yana. Pero iniwasan niya lang yung tingin ko.

" Samin sasabay si Brie na kumain " Sabi ni Neo na kanina pa pala nasa tabi ko.

" Excuse me? "

Block ZeroWhere stories live. Discover now