Block 21

1.3K 48 5
                                        

A/N: Comment your thoughts 😁

•••

Chaper 21

[Brieana's Point of View]

I check my wrist watch 5 minutes nalang magsisimula na.

" Brie!! Yung necktie namin " Tawag sakin ni Blue. Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sa kanila.

" Mag-aral na kayong maglagay nito ha kasi hindi habang buhay andiyan ako para magkabit nito " Sabi ko sa kanila.

" Bakit babalik ka pa ba sa Block A? " Tanong sakin ni Wane dahilan para matigilan ako.

" Brie! Diba until the end of school year sa Block Zero kana? " Sabi ni Neo.

" Hindi ka na naman namin pinapaalis eh " Dagdag ni Taner.

" Mag Stay kana sa Block Zero hanggang graduation " Sabi ni Harry.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinasabi nila. Buti nalang ay tumunog na ang bell na hudyat na na pwede ng mag open ng booth.

" Open na mamigay na kayo ng fliers " Utos ko sa kanila.







Ang ganda ng ngiti ko dahil sold out kami. Dumugin ba naman kami ng mga kababaihan. Iba talaga charisma ng mga to. Kapag nagtayo ako sa restaurant kukuhanin ko sila. 

" I feel molested! " Pagmamaktol ni Luxe.

" Sino ba kasing nakaisip ng Free kiss na yan! " Inis na sabi ni Taner.

Ah...hehehe dahan dahan akong yumuko at umexit pero ang walangyang si Neo pahamak.

" Si Brie! " Umayos ako ng tayo at ngumiti sa kanila.

" You did A great job! Pwede na tayong lumibot sa ibang booth "

" Masayang ideya yan " Nakangiting sabi ni Luxe. Hindi ako tiwala sa ngiti niya para siyang may pinaplano na hindi ko magugustuhan.

" Horror House tayo! " Sigaw ni Taner.

" No! Kayo nalang out ako diyan Bye! " Sabi ko at akmang tatakas na pero nahawakan ako agad ni Kurt at Felix.

" Sinong may sabi tara na " Walangya! Masasapak ko tong Taner na to.

Tumingin ako kay Third para humingi ng tulong pero nagkibit balikat lang siya. Traydor!. Kay Cald naman ako tumingin pero ngumiti lang siya.

" Ako bahala sayo dun Brie hindi kita bibitawan " Sabi ni Cald.

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay Horror House gawa ng nangyari sakin nung bata pa ko. Malakas ang loob ko nun na pumasok sa horror house since kasama ko naman si Bryster pero nahiwalay ako sa kanya. Sobrang dilim nun tapos hindi ko mahanap ang daan palabas.

Pagkapasok palang namin ay grabe na yung hawak ko kay Cald.

" Labas na tayo " Bulong ko pero tinap lang ni Cald ang kamay ko.

" You need to conquer your fear "

" Cald is right, Hindi naman totoo tong mga to " Sabi ni Third.

" Oo nga Brie! Ako din bahala sayo " Sabi ni Neo.

" What the hell!! " Napalundag at napasigaw ako sa takot ng magmura si  Luxe pero mayamaya ay napatawa ako.

" Hahaha lakas ha! Lakas pagplanuhan to nauna pang magreact sakin "

" Tsk! Nagulat lang ako "

" Eh di... " Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang may nagsigawan sa likod namin sabay ng pagkapatay ng dimlight at may nagtakbuhan papunta samin. Napahiwalay ako kay Cald at nadala ako ng mga taong nagtakbuhan.

Block ZeroWhere stories live. Discover now