Block 7

2K 66 3
                                        

Chapter 7

[Brieana's Point of View]

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Pagkatapos kasing sabihin yun ni Zero ay biglang may tumawag sa kanya kaya kailangan niya ng umalis. Wala rin namang nag open ng topic about sa sinabi ni Zero. Tapos si Bryster galit parin at sinabi niya sakin na siya na daw bahalang magpalusot kay Mama kung bakit hindi ako makakauwi at babalik nalang daw siya bukas.

" Can't sleep? " Pinaling ko ang ulo ko kay Kevin na nakatingin sa ceiling. Sure naman ako ang kinakausap nito kahit hindi ito nakatingin sakin. Kami lang namang dalawa ang nandito.

" Kevin " Sa pagtawag ko sa pangalan niya ay agad naman niya kong tiningnan. Huminga muna ako ng malalim bago ako magpatuloy.

" Why are you mad at me?. May nagawa ba kong mali sayo na hindi ko alam? " Umiwas siya sakin ng tingin at tinalikuran ako. Paano ko matatama yung maling nagawa ko o makakahingi ng sorry kung ayaw niyang sabihin.

" I should not blame you but I just can't " Nakaharap ako sa kanya habang siya ay nakatalikod sakin.

" Hindi ko maintindihan, Kevin pwede bang ipaliwanag mo kung anong nagawa ko? " Pinilit kong bumangon at dahil dun kumirot yung sugat ko at napadaing ako dahilan para tingnan ako ni Kevin.

" What are you doing? Diba sabi ng doctor huwag ka mag gagagalaw! " Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napangiti sa sinabi niya. Kahit na galit siya sakin sa hindi ko malamang dahilan he still give sympathy to me.

" Why are you smiling? " Umiling ako sa kanya pero hindi parin maialis yung ngiti ko.

" Why did you do that? " Tanong niya habang nakatingin sa malayo.

" Ha? "

" You had a chance to leave and run. Bakit hindi ka pa umalis. Bakit mo pa ko tinulungan knowing na galit ako sayo " Una kasi hindi ko naman alam kung bakit siya galit sakin kaya nawala na yung sa isip ko tapos...

" I don't have a cold heart para hayaan ka nalang na mamatay sa kamay nila. I'm not selfish to saved my life and left you dying. Kaya kung ano naman yung dahilan mo kung bakit galit ka sakin, I'm sorry.  " Napatingin siya sakin at saglit kaming nagtitigan hanggang sa umiwas siya ng tingin.

" How can you say that without even knowing the reason why you should say sorry " Sabi ni Kevin sabay sandal sa unan niya.

" Your the reason why she break up with me " Ha? Sino? bakit naging ako?.

" We have a big fight that day. Ma pride akong tao kaya kahit ako ang mali. I still stand for what I want. Tumagal ng ilang araw yung away namin walang pansinan walang suyuan. Until one day she texted me that we need to talk. Pumayag ako sa pag-aakalang hindi niya ko kayang matiis but I'm wrong. She talk to me to say that she's breaking up with me. May isang tao daw kasing nagpa gising sa kanya sa katotohanan. Katotohanan na she don't need to stay to a relationship that is not healthy anymore. A relationship that like a prison to her. Akala ko nagbibiro lang siya. Akala ko she just need space. I give her what she want sa pagbabakasakali na pagkalipas ng ilang mga araw babalik parin siya sakin. But she never did hindi na siya bumalik. Hindi na siya nakipagbalikan. Gusto kong suntukin yung taong nagsabi sa kanya ng mga bagay na yun. Gusto ko siyang murahin dahil kung hindi dahil sa pagsusulsol niya, kami pa sana. Kami pa sana ni Yana. But how can I do that when she becomes Yana's bestfriend " Napatakip ako sa bibig ko. Tell me this is just a joke. Sht! I never knew that saying those words of advice and encouragement to Yana can ruin a  relationship.

Ang tanga mo Brie! You should heard the other side of the story before saying those words. Bakit ang dali lang saking magbitaw ng mga salita na hindi ko pa napapakinggan ang kabilang panig. That is what I hate to myself. Kapag may humingi sakin ng advice bigay agad ako ng bigay kung anong sa tingin ko ay tama.

Block ZeroDonde viven las historias. Descúbrelo ahora