Block 3

2K 74 3
                                        

Chapter 3

[Brieana's Point of View]

Kanina pa ko gising pero nakahiga parin ako sa kama ko at ayaw bumangon. This is my Day 3 being in Block Zero at hindi ko na naman alam kung papasok ako kasi naman yung nangyari kahapon tapos yung sinabi pa ni Third.

Nakarinig ako ng katok sa may pintuan ko kasabay ng boses ni Bryster.

" Kakain na daw sabi ni Mama! Wala ka bang balak pumasok! " Hays! Never pa kong tinamad pumasok in my entire life.

" Ito na! " Walang buhay akong pumasok sa banyo at binilisan gawin ang mga daily routine ko. Pagkababa ko naman ay naabutan ko sa kusina sina Mama at Bryster.

" Akala ko aabutin ka pa ng isang oras eh nahiya naman kami, Ano na namang trip mo at nakahood ka? " Sabi ni Bryster pag-upo ko. Oo suot ko na naman yung jacket tapos naka hood ako eh kasi naman baka makita nila yung sugat ko at magtanong sila.

" Bryster ate mo yan, tara ng kumain " Sabi ni Mama. Buti nga si Mama hindi nagtatanong.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami ni Bryster kay Mama. Ngayon ko nalang makakasabay to Minsan kasi nauuna siya sakin eh tapos minsan ako naman ang nauuna.

Pumara kami ni Bryster ng Tricycle ayoko nang maglakad ulit na trauma na ata ako.

" Hindi ka parin ba aalis sa Block Zero? " Tanong niya sakin.

Well sa totoo lang gusto ko na ngayong bumalik sa Block A kaso yung Full scholarship. Napabuntong hininga nalang ako.

" Kung wala ka talagang balak umalis iwasan mo nalang sina Zero at Third " Sabi niya sakin sabay kaway at naglalakad na papunta sa building niya. Magtatanong pa sana ako sa kanya kasi pano naman niya nakilala yung mga yun. Ako nga na ka year sila hindi ko sila kilala. Tatanungin ko nalang ulit siya mamaya sa bahay.

" Brie! " Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Jacob aba mukhang good mood to ah.

" Bakit mukhang good mood ka? " Tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niyang nilapat yung kamay niya sa noo ko.

" Ah...Jacob anong ginagawa mo? " Kasi naman sobrang lapit niya sakin.

" Wala ka na namang lagnat bakit ka nakajacket ulit Brie? Hindi naman malamig ngayon " Tanong niya na may halong pagtataka.

" Ah...hehe Ano ang sakit kasi sa balat ng araw " Alinlangan kong sagot sa kanya.

" Ah sige Jacob aalis na ko " Paalam ko sabay takbo. Peste anong nangyari sakin bakit biglang kinabahan ako sa harap ni Jacob tapos bumilis yung tibok ng puso ko ng magkalapit kami.

Umiling iling ako sa sarili ko. Hindi maman siguro, baka naninibago lang ako sa inaasta ni Jacob lately kasi parang iba yung kinikilos niya hindi naman siya ganun nung kaklase ko pa siya.

Na aaning siguro ako hays!. Sa tuloy tuloy kong paglalakad hindi ko namamalayan na nakarating na pala ako sa Building ng Block Zero at nasa second floor na ko.

" Sa tingin mo papasok pa satin yun "

" Siguro naman hindi na pagkatapos ng nangyari sa kanya tapos nasigawan pa siya ni Zero ewan ko nalang sa kanya "

Hala Peste!. Sinilip ko muna kung walang tao sa kanan bago ako nagtatakbo papunta sa opposite ng room ng Block Zero. Nadaanan ko yung room na pinagtaguan ko pero agad akong napailing. Ayoko na diyan baka may daga ulit. Dumeretso ako sa pinaka dulo ng hallway. May hagdan pala dito hindi na ko nagdalawang isip na umakyat dito at magtago. Napaupo nalang sa baitang at hinabol ang hininga ko.

Ano ng gagawin ko hindi ako makakuha ng lakas ng loob na bumalik sa room nila pagkatapos ng narinig ko. Teka nga pala para saan ba ang hagdan na to?. Agad kong tinahak ang hagdan bumungad sakin ang isang pintuan na bakal. Walang kandado kaya binuksan ko. Tumama sakin ang malamig at malakas na hangin dahilan para matanggal yung hood ko. Rooftop pala to wow ngayon lang ako nakapunta sa rooftop. May nakita akong pinto bubuksan ko sana kaso nakalock. Siguro tambakan lang to or something.

Block ZeroWhere stories live. Discover now