Chapter 29
[Brieana's Point of View]
Hindi mawala yung ngiti ko sa labi lalo na kapag naaalala ko yung lunch date namin ni Zero na kahit epic masaya parin ako.
" Hey " Napalingon ako kay Bryster na nakatayo sa pintuan ko.
" Pamigay mo daw sa mga friends mo " Sabi niya sakin sabay abot ng hawak niya na agad ko namang tiningnan.
" Invitation? "
" Lolo will be hosting a welcome party for us next week " Napatango nalang ako sa sinabi ni Bryster habang sinusuri ko yung invitation.
" Brie "
" Hmm? " tugon ko kay Bryster habang nasa invitation parin ang atensyon ko.
" Now that Jamie is back are you not afraid that Zero might choose Jamie over you " Napatingin ako kay Bryster dahil sa sinabi niya.
" No I trust Zero " Sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi.
" Brie "
" Ah...Mam Brieana and Sir Bryster may naghahanap po sa inyo sa baba " Nagkatinginan kami ni Bryster. Sino namang maghahanap samin, at sa aming dalawa pa.
" Are you expecting someone? " Tanong ko kay Bryster habang sabay kaming naglalakad sa hallway papunta sa hagdan.
" Wala " Sino naman kaya yung bisita na nag-iintay samin.
Pagbaba namin ng hagdan ay sumalubong samin ang nakangiting mukha ni Jamie.
" Jamie? What are you doing here " Tanong ni Bryster.
" Gusto ko lang makasabay pumasok si Brieana " Tama ba yung narinig ko?.
" Hindi parin ako makapaniwala na kapatid mo si Brieana, Bryster I mean it's a small world " How should I react?.
" Wala tayong proper introduction, I'm Jamie Sebastian sana maging magbestfriend tayo " Nakangiti niyang sabi sabay kapit sa braso ko.
Napatingin ako kay Bryster at tumango lang siya sakin. Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Jamie.
This is awkward it's looks like Jamie is kind but I can't help it to feel uneasy whenever she's around.
" I will just take this call " Paalam ni Bryster. Gusto ko siyang hilahin at sigawan na huwag umalis dahil ayokong maiwan dito kasama si Jamie.
" You want anything? "
" I'm okay " Mabuti ka pa okay, deym Brieana huwag kang sasapian ng pagkapilya mo wala naman ginagawa sayo si Jamie.
" Do you feel awkward? " Gulat akong napatingin kay Jamie dahil sa sinabi niya.
" Sorry ha, Siguro dahil sa wala akong kaibigang babae kaya ganito ako ka desperada. Since I belong to Block Zero at sobrang close ako sa kanila every girl in the campus see me as slut and bitch and most of them lalapitan lang ako to use me para makapalapit kayna Zero " Dahil sa sinabi ni Jamie ay nakaramdam ako ng hiya at guilt. Pero bakit naman siya napapunta sa Block Zero mukhang hindi naman siya basagulera.
" Sige let's be friends " Nakangiti kong sabi at this time hindi na ko napipilitan lang. Wala naman sigurong masama if I will open my heart to Jamie.
" Talaga?! Omg! Thank you Brieana! " Tuwang tuwang sabi ni Jamie at yumakap pa sakin.
Marami kaming napagkwentuhan ni Jamie at dahil dun ay gumaan yung loob ko sa kanya. Di ko rin namalayan na na papunta sa Block Zero yung way na dinadaanan namin. Tiyaka ko lang namalayan ng nandito na kami sa harapan ng classroom.
YOU ARE READING
Block Zero
ActionHR in Action:#46 (09/22/18) #1-goodgirl (02/07/19) ••• Block Zero Isang Block na binubuo ng mga puro lalaking estudyante na suki ng Detention, Suspension at Gulo. Sila yung block na kinakatukan pagdating sa mga underground battle. They labelled th...
