Chapter 7

20.9K 398 4
                                    

Yohann's POV

"Bakit hindi ba hindi mo ko sinusunod Yohann?" umpisa ng Papa ko. Galit ang tono nito. Hay nako ito nanaman sya.

"Nagpunta kayo dito para pagalitan ako ? Ang sweet nyo naman." sarkastiko kong sagot dito.

Nasa opisina ako ngayon at inaantay na dumating ang bago kong sekretarya. Late na sya. Pero buti naman at late sya kundi naririnig nya ang pagdidiskusyon namin ni Papa.

"Yohann naman ang gusto ko lang naman lumagay kana sa tahimik." kumalma ang boses nito at umupo sa harapan ko. Habang ako busing busy sa pagbabasa ng mga files.

"Pa matatahimik lang ako kung tatantanan nyo ko sa pag set up sakin kung kanikanino." sagot ko dito.

"Aba nman Yohann , tumatanda na ko. Ang gusto ko lang makita na yung magiging apo ko sayo." Dagdag pa ni papa.

"Pa naman ang OA mo. Hindi ka pa ganun katanda. At saka magpapakasal lang ako, dun sa taong gusto ko at mahal ko. Hayaan mo na lang ako." iritable kong sagot dito. Nakakainis nman kasi, 28 pa lang nman ako. Masyado pa kong bata para magpatali tss.

"Yohann naman hindi mo masasabi ang panahon saka kelan ka pa magpapakasal pag puti na tong lahat ng buhok ko ? Aba yung mga kumpadre ko nga pag nagkikita kami ang mga pinag uusapan ay tungkol sa mga apo nila, tapos ako wala man lang makwento dahil kahit asawa wala ang unico iho ko." pagdadrama nito. Hay nako. Hindi pa nman sya ganun katanda ei. Mag isang anak lang ako ni Papa at ang mama ko bata pa lang ako nung namatay. Simula nun hindi na nag asawa pa si papa kaya hindi na rin ako nasundan. 36 na din nang mag asawa ang papa ko, ngayon ay 68 na si papa. Hindi nman ganun katanda diba ?

"Pa may mga kailangan pa kong asikasuhin, pwede bang saka na natin pag usapan yang mga ganyan." pag lalayo ko ng topic. Hindi ako titigilan nito ni papa panigurado ei.

Napatingin ako sa relo , 9 am na wala pa din sya.

"Oh sya sige , aalis na ko. Pero ito Yohann ha ? Dadating yung kababata mo galing Canada. Si anu nga ulit ? Hmm Cindy. Oo tama si Cindy , nako napaka gandang bata nun baka sya magustuhan mo sya. Naku bagay na bagay kayo nun." pang aasar ni Papa. Naku naman.

"hayy naku oo na sige na titignan ko." pag sang ayon ko dito para tumahimik na.

"Oh sige alis na ko." tumayo na ito para umalis. Inihatid ko nman ito hanggang pinto.

"Bakit nga pala wala dito si Mrs Hernandez?" tanung ni papa ng mapansin na walang nakaupo sa office ni Mrs Hernandez.

"Naka leave sya. Ngayon pa lang dadating ang papalit sa kanya." sagot ko dito. Tumango naman ito saka tuluyang nagpaalam.

Bakit wala pa sya anung oras na aa ?

Maya maya may narinig na akong kumatok sa pinto. Baka sya na to.

"Come in." sagot ko dito.

Pumasok nman ito. Nakita kong hirap na hirap ito sa dala nyang box.

"Bakit ngayon ka lang ? Diba ang sabi ko 8am SHARP." Pinag diinan ko talaga yung word na sharp.

"Sorry po. Dumaan pa po kasi ako sa company namin para mag paalam dun at kunin yung mga gamit ko." Sagot nito saka inayos ang pagbuhat sa box na dala nya.

Lumapit ako dito para kunin ang dala nya.
"Akin na nga to. Bakit ba kasi hindi ka nagpatulong sa mga guard sa baba. Tss." pasungit kong sabi dito. Inilapag ko muna ang dala nya sa lamesa.

"Okay have a sit."
Umupo naman ito sa sofa ng office ko. Hindi ito makatingin sakin.

"May problema ba sa muka ko ?" tanung ko rito.

A Night With A Stranger (Completed) Where stories live. Discover now