Chapter 33

14.4K 211 1
                                    

Christine's POV

Iniisip ko pa din yung nangyari sa Restaurant kahapon. Di ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa anak ko.

"Christine anung oras ba tayo mag sisimba ?" tanung ni mama. Agad naman akong napatigil sa pag iisip.

"Maya maya po ma. Papaliguan ko lang si Yno." sagot ko dito at kumuha ng towel para kay Yno.

"Parang lagi na lang malalim ang iniisip mo. Ayos ka lang ba ?" tanung ni mama.

"Opo ma." ngumiti ako rito para ipakita na okay lang ako.

Nagpaalam na si mama na maliligo na din daw ito. Kasalukuyan kong binibihisan ang anak ko ng may mag doorbell.

*diiingdoongg

"Yno wait lang aa." paalam ko sa anak at binuksan ang pinto.

"Papa ?" bakit sya nandito ?

Lumabas ako at isinarado ang pinto para hindi kami makita ni mama.

"Anung ginagawa mo dito ? Panu nalaman yung bahay namin ?" sunod sunod na tanung ko. After nung pag uusap namin sa Palawan hindi na kami ulit nag usap nito.

"Pinasundan kita. Christine patawarin mo ko sa nasabi ko sayo sa Palawan." mahinahong sabi nito.

"Christine Patawarin mo ko sa nasabi ko sayo sa Palawan. Maniwala ka pinoprotektahan lang kita. Dahil kilala ko si Cindy lahat gagawin nya makuha lang nyang ang gusto nya." paliwanag nito. Naalala ko yung sinabi ni Cindy sakin kahapon.

"Umalis kana, hindi kana pwedeng makita ni mama." pagtataboy ko rito.

"Christine nag punta rin ako dito para humingi ng sorry sa mama mo." sabi nito.

"Tapos anu ? Guguluhin mo ulit ang buhay namin ? Ibabalik mo ulit kay mama lahat ng sakit na ipinaramdam mo noon ? Please lang tahimik na buhay namin." bakit ba ang gulo gulo nanaman ng mga nangyayari.

"Christine ? Sinong kausap mo d--" napatigil ang mama ko nang makita nito ang kausap ko.

"Roman ?" di ito makapaniwala. Magulo ba ? Ganto kasi yan. Romano Allan Fuentes ang totoong pangalan ni papa.

"Irish." tawag din ni papa dito.

"Ma pumasok na po muna kayo sa loob." ayoko na baka atakihin si mama ng sakit nya.

"Christine matagal na ba kayong nagkikita nyang papa mo ?" tanung nito sakin.

"Ma hindi."

"Irish kelan lang kami nagkita ulit ng anak mo" sabi ni papa.

"Umalis kana wag mo na guluhin ang buhay namin ng anak mo. " sabi ni mama saka dinala ako sa likod nito.

"Irish patawarin mo ko." nagulat ako ng lumuhod si Papa sa harap ni mama.

"Irish maniwala ka nagsisisi ako sa mga nagawa ko sayo. Alam ko nasaktan kita ng sobra, kayo ng anak natin. Pero maniwala ka sakin walang araw na hindi ko kayo naiisip. Irish please. Patawarin mo ko." umiiyak si papa at hinawakan ang kamay ni mama habang nakaluhod.

Umiwas lang si mama ng tingin.

"Tama na Roman. Matagal na kitang napatawad kaya sana umalis kana. Bumalik kana kay Malou at wag mo na kaming guluhin" sabi ni mama.

"Maniwala ka sakin Mahal kita Irish. Mahal na mahal." sabi ni papa.

"Pa tama na." pigil ko kay papa. Alam ko na kahit matagal na silang hiwalay ay mahal pa rin ng Mama ko si Papa. May isang gabi na nakita ko itong hawak ang kanilang litrato ni Papa.

A Night With A Stranger (Completed) Where stories live. Discover now