Chapter 77

8.6K 164 6
                                    

Christine's POV

"Yo-yohann" sambit kong muli pero agad itong umalis.

Agad akong bumaba ng stage para habulin ito. 

"Christine" lumapit sakin si Papa. 

"Pa wait lang po" sambit ko

"San ka pupunta? Christine! " tawag nito pero hindi na ko lumingon sa halip ay tumakbo agad ako palabas. Agad na hinanap ng mata ko si Yohann, nakita kong palabas na ito ng hotel. 

"Yohann!" tawag ko dito pero hindi ito lumingon.  Hinabol ko agad ito pero naabutan kong pasakay na ito sa sasakyan nya. Tinanggal ko ang heels ko para maabutan ito pero paalis na ito kaya humarang na lang ako sa dadaanan nito.

*beeeep beeep!

Binusinahan ako nito.

"Yohann kausapin mo muna ko" umiiyak na sabi ko.

Pero hindi ito lumabas ng kotse. Patuloy lang ang pagbusina nito. 

"Yohann nakikiusap ako kausapin mo muna ako" wala na kong pakialam kahit pag tinginan kami ng mga tao.

Huminto na ito sa pagbusina at bumaba ng kotse kaya agad akong lumapit dito. 

"Yohann maniwala ka sakin wala akong alam dun" kumapit ako sa braso nito. Walang ekspresyon ang muka nito at nakatingin lang sa malayo. 

"Yohann hindi ko alam yun. Makinig ka sakin. Pakinggan mo yung paliwanag ko please" di ko na mapigilang humagulgol.

"Yohann please.." pagmamakaawa ko. Unti unti nman itong tumingin sakin, basa na rin ng luha ang muka nito. 

"Umalis ka na habang nakakapagpigil pa ko. " ani nito. 

"Yohann please.. Pakinggan mo ko. Wala akong alam dun Yohann please.. " niyakap ko ito ng mahigpit pero pilit nitong tinanggal ang pagkakayakap ko. 

"Sinabi ko umalis kana! " galit na sabi nito

"Yohann naalala mo noon? Nagkasira tayo dahil hindi natin pinakinggan ang isa't isa, kaya please makinig ka muna sakin ngayon" pag mamakaawa ko dito. Huminga ito ng malalim at tumingala.

"Yohann wala akong alam dun ni hindi ko alam kung anung nangyari nung kinunan yun maniwala ka sakin please.. " pagpapaliwanag ko. 

"Pero hindi yun ang nakikita ko sa video na yun Christine! "sigaw nito. Nagulat nman ako dito. Ngayon pa lang ata sya nagalit sakin ng ganito. 

"Yohann maniwala ka sakin nakikiusap ako hindi ako ganung klase ng babae,  kilala mo ko" lumuhod ako dito at patuloy na nagmakaawa. 

"Alam mo bago ako pumunta rito,  nagkita kami ni Cindy! Sinabi nya sakin na niloloko mo lang ako. Na may nangyayari sa inyo ni Jake. Pero hindi ako naniwala Christine! Hindi ako nakinig sa sinasabi nya kasi sabi ko sa sarili ko hindi ka ganun! Hindi mo yun magagawa sakin kasi Christine.. " lumuhod din ito at pinantayan ako. Sunod sunod ang pagbagsak ng luha nito.

"Kasi alam ko mahal mo ko Christine ei. Mahal mo ko." hinawakan nito ang magkabilang braso ko. 

"Yohann sorry.." sambit ko. Naramdaman ko naman ang pagbagsak ng malalaking patak ng ulan sa mga balat ko. Unti unti na kaming nababasa nito ng malakas na ulan. Tila sumasabay ito sa emosyon naming dalawa.

"Christine naniwala ako na mahal mo ko ei. Na hindi mo yun kayang gawin sakin dahil hindi ka ganun. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sayo!" basang basa na kaming dalawa ng ulan. Kasabay din ng ulan ang pagbagsak ng mga luha namin. Alam ko na sobrang nasasaktan ito. Ramdam ko sa bawat salita nito. 

A Night With A Stranger (Completed) Where stories live. Discover now