Chapter 78

9K 180 2
                                    

Cindy's POV

Yes, it is all may fault. Sinabi ko na kay Yohann ko lang ipapakita yung Scandal nila pero mas gusto ko na masira nang tuluyan si Christine sa lahat ng tao. Masyado syang nagbabait baitan at hindi ako natutuwa dun.

[Cindy bakit mo yun ginawa? Bakit kailangan mong ipakita sa maraming tao yun? Nag iisip ka ba? Kahihiyan yun sakin at kay Christine! ] galit na sabi nito. 

"I really don't care. Ginawa ko lang kung anung nararapat! " sagot ko dito.

[D*mn you! Napaka makasarili mo talaga!] sabi nito at ibinaba na ang tawag. Ngumisi naman ako dito. Anu bang paki ko sa kanilang dalawa. 

Naisip ko nanaman yung kanina. Hindi ako pwedeng magkamali,  yun na yun ang ipinagawa ni Dad na kwintas sa jewelry designer namin. Kaya sigurado ako na nag iisa lang yun. Pero bakit nasa kanya? Bakit suot nya?

Kailangan kong alamin ang totoo.

Christine's POV

"Anak kumain kana muna oh. Dalawang araw ka nang walang matinong kain." inilapag ni mama ang pagkain ko sa tabi ng kama.

"Anak wag mong pabayaan ang kalusugan mo. Pati si Yno maapektuhan nyan, isipin mo ang anak mo" sabi naman ni Papa pero nakatulala pa din ako. 

"Anak gusto mo ba mag bonding tayo ng papa mo at ni Yno? Magbonding tayo para kahit papano makalimutan mo problema mo" tanung ni mama pero hindi pa din ako umimik.

"Anak please naman.." dagdag nito.

"wag kang mag alala inasikaso nanamin ang pagsasampa ng kaso kela Jake at.. Kay Cindy" sabat ni Papa. Napatingin naman ako dito. 

"Pwedeng matanggalan ng lisensya si Jake sa pag aabogado. Kulang pa yun kung tutuusin sa ginawa nya sayo" dagdag ni Papa. 

"Pati si Cindy sinampahan mo ng kaso? " tanung ko. 

"Hmm oo. Mahirap man saking gawin yun pero tingin okay na rin yun para matuto sya" sagot ni Papa.

"Hindi nyo naman po kailangang gawin yun sa kanila, alam kong mahirap sa inyo yun" ani ko.

"Pero anak malaki ang naging epekto sayo nung ginawa nila. Hanggang ngayon usap usapan pa rin ang nangyari sa party" sabi ni Papa.

"Wala naman na po kong magagawa dun ei. Ang tanging iniisip ko lang naman ngayon ay si Yohann sana sinabi ko na lang sa kanya nung una pa lang, sana inamin ko na lang baka hindi na kami umabot sa ganito." napayuko ako dahil parang babagsak nanaman ang mga luha ko. 

"Anak." hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Maayos din ang lahat. Wag kang masyadong mag alala" dagdag nito. Pilit naman akong ngumiti dito.

"Mommy" nagulat akong nang biglamg pumasok ang anak ko sa kwarto at tumakbo papunta sakin. Pinunanasan nito ang muka ko.

"Don't cry mommy" ani nito. Niyakap ko na lang ito ng sobrang higpit.  Sorry anak. Sorry.

*Tok tok

"Ako na mag bubukas" ani ni Papa at lumabas ng kwarto. Sumunod nman si Mama dito. 

"Oh Zach, Ella kayo pasok kayo. " narinig kong sabi ni Papa kaya lumabas din ako ng kwarto habang buhat si Yno.

"Beshy" lumapit sakin si Ella at bumeso.

"Anung.. Ginagawa nyo dito ?" tanung ko sa dalawa. 

"Kinausap na kanina si Jake sa presinto. At inamin na nya lahat kaya hindi na sya masasampahan ng kasong Rape" simula ni Zach. Kumunot naman ang noo ko. 

A Night With A Stranger (Completed) Where stories live. Discover now