Chapter 84

10.3K 144 1
                                    

Cindy's POV

"Mam nagawa nyo po ba? Sabi ko naman po sa inyo ako na lang po ang gagawa ei" ani ng tauhan na hinired ko.

"No need. Mas gusto kong ako ang gumawa nun, para makapagpraktis naman ako para sa susunod na papatayin ko" sagot ko.

Tama lang sa Jake na yun ang mamatay. Duwag sya at tanga. Wala na syang pakinabang sa mundong to. Baka maging sagabal pa sya sa plano ko.

"Mam kunin na po ba namin yung mga target? " tanung nito.

"Sige sasama ko. Gusto ko ring makaharap yang kabit ng tatay ko" sabi ko. Sumunod ako sa mga to at sumakay na sa Van na gagamitin para pang kidnap sa nanay ni Christine.

Maya maya din ay nakarating na kami sa bahay ng mga to.

"Andito na po tayo mam" ani ng driver ko. Bumaba na ko ng van at nilibot at tingin ko sa paligid ng bahay nila Christine para masigurong walang makakita samin.

"Sumunod kayo kapag nagpumiglas sila." bilin ko sa mga to at naglakad na papunta sa pinto ng bahay nila.

*Tok tok

"Sino yan? " narinig kong tanung ng babae sa kabilang pinto. Pero binuksan din nya ito.

"Cindy? " sambit nito ng makita ako. Ito ang kabit ng tatay ko? Tss. So cheap!

"Hi Irish" bati ko dito.

"Anung ginagawa mo dito?" tanung nito.

"Sumama ka sakin" sabi ko dito.

"Anu? At bakit naman ako sasama sayo?" tanung nito. Itinaas ko ang baril na hawak ko. Nagulat naman ito.

"Kasi sinabi ko" nakangiting sabi ko.

"Lola shi dada na yan? " narinig kong tanung ng isang bata sa likod nito.

"Pumasok ka sa kwarto Yno!" sigaw nito.
Pero pumunta pa rin ito sa likod ng lola nya.

"Oh hi little Yohann. Nagkita nanaman tayo" baling ko dito.

Agad na binuhat ng babae ang apo nya at tatakbo na sana pero agad ko itong pinukpok ng baril sa likod kaya nawalan ito ng malay.

"lola!!" umiiyak na tawag ni Yno sa Lola nya habang pilit itong ginigising.

Sumunod naman na ang mga tauhan ko at binuhat na ito papasok sa Van. Ako naman ang bumuhat kay Yno.

"Bad ka! Bad ka! " nagpupumiglas ito.

"Sige bad na kung bad. Kaya tumigil ka dyan kung ayaw mong patayin ko lola mo! " sigaw ko dito. Tumigil naman to sa pagpupumiglas pero umiiyak pa rin ito.

Sumakay na kami sa Van at umalis na.

"Waaah! Mommy! dada!!" sigaw nito habang umiiyak. Nakaka torete ng utak tong batang to. Tss!

"Pwede tumigil kana! Kundi ilalag kita dito sa kotse gusto mo?! " sigaw ko dito.

"Mam Bakit pa kasi natin sinama yun bata? " tanung ng isang tauhan ko

"Anu bang paki mo?! " inis na tanung ko dito.

Medyo malayo ang hide out na pinuntahan namin kaya hapon na din ng makadating kami.

Nilingon ko yung kabit ni Papa na nasa pinaka likod ng Van. Gising na ito at mukang pilit na may inaabot sa bulsa nito, itinali kasi namin ang kamay nito kanina. Nang makuha nito ay agad na tinipa nito ang phone nya,  kaya agad akong lumapit dito.  Hindi nito napansin ang paglapit ko dahil busy sya sa pag pindot.

"Sinong tatawagan mo?! " inagaw ko ang phone nito.

"Akin na yan! " sigaw nito.

"Si Christine ba? " tanung ko at tinignan ang phone nito. Si Christine nga, at itetext sana nito. Tss. Ang hirap naman nito,  walang pantawag.

A Night With A Stranger (Completed) Where stories live. Discover now